3rd Martial Law extension sa Mindanao pinagtibay ng SC
MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Korte Suprema ang pagpapalawig ng Martial Law sa ikatlong pagkakataon sa Mindanao hanggang Disyembre 31, 2019.
Sa botong 9-4, ibinasura ng SC ang consolidated petitions na kumukwestyon sa legalidad ng extension ng Martial Law.
Noong 2017, nang idineklara ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa Mindanao, sa kasagsagan ng sagupaan ng tropa ng pamahalaan at Maute group sa Marawi City, Lanao del Sur.
Naghain ng petisyon ang Makabayan bloc, minorya ng Kamara, Atty. Christian Monsod at grupong Lumad para kwestiyon sa legalidad ng batas militar.
Giit ng mga ito na ang nangyaring karahasan sa Mindanao ay terorismo at hindi rebelyon na kailangan ang deklarasyon ng Martial Law.
- Latest