Pol ads discount batas na
MANILA, Philippines — Ganap nang batas ang panukalang naglalayong magkaroon ng mas malaking diskuwento ang mga political advertisements tuwing may eleksiyon.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang panukala na mag-aamiyenda sa Fair Election Act, tatlong araw pagkatapos magsimula ang kampanyahan para sa midterm election sa Mayo.
Kabilang sa mga nagsulong ng panukala sa Senado sina Sen. Koko Pimentel, chair ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation at Sen. Richard Gordon.
Dahil sa batas, ang discounted rates na 30% ay magiging 50% para sa telebisyon samantalang ang dating 20% sa radio ay magiging 40%.
Mananatili naman sa 10 porsiyento ang discount sa print.
Nauna ng sinabi ni Pimentel na ang political advertisements ay dapat maging bahagi ng social responsibility ng mga media outlets dahil ang layunin ng mga nasabing advertisements ay ipaalam sa mga botante ang kuwalipikasyon, plataporma at track records ng mga kandidato.
“Because of the importance and higher interest of society in educating the electorate on their political choices, it is just proper and correct that media outlets contribute to this common good,” sabi ni Pimentel.
Layunin din aniya ng panukala na matulungan ang mga botante sa kanilang pagpili ng mga karapat-dapat na mga kandidato.
- Latest