^

Bansa

Senatoriable Jiggy Manicad nanawagan ng patas na trato sa Rappler CEO

James Relativo - Philstar.com
Senatoriable Jiggy Manicad nanawagan ng patas na trato sa Rappler CEO
Kasalukuyang tumatakbo si Manicad sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago senatorial slate na pinamumunuan ng presidential daughter na si Sara Duterte.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Naglabas ng pahayag ang senatorial candidate at dating mamamahayag na si Jiggy Manicad tungkol sa pag-aresto ng National Bureau of Investigation kay Maria Ressa, chief executive officer ng Rappler, noong Miyerkules.

Sa ekslusibong panayam ng PSN kay Manicad, nanawagan siya sa otoridad ng patas na pagtrato sa kapwa peryodista.

"Dapat ay patas ang trato sa lahat ng mga akusado. Dapat ma-review ng DOJ (Department of Justice) ang kanilang procedures kaugnay nito," sabi ni Manicad sa isang text.

Kagabi, sinubukan ng kampo nina Ressa na maghain ng piyansa sa night court ng Pasay Metropolitan Trial Court kaugnay ng hinaharap na cybel libel ngunit hindi pinayagan dahil sa isyu ng jurisdiction.

Hawak kasi ng regional trial court ang kaso ni Ressa.

Gayunpaman, iginiit ng Rappler na may kapangyarihan ang judge ng naturang korte tanggapin ang bail sa ilalim ng Rule 114 section 17.

'Dapat may korte na mag-aasikaso'

"Bilang dating police beat reporter, alam naman natin na dapat ay may korteng mag-aasikaso sa mga proceedings sa gabi. Sa case ni Maria, dapat ay nabigyan siya ng pagkakataong makapag-avail ng legal remedies na ito gaya ng piyansa," dagdag ng dating GMA reporter.

Kasalukuyang tumatakbo si Manicad sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago senatorial slate na pinamumunuan ng presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Unang nang tinukoy ng ilang grupo ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang nasa likod ng "harassment" diumano kay Ressa at sa mass media.

Hinainan ng warrant of arrest si Ressa kahapon kaugnay ng reklamong isinampa ng negosanteng si Wilfredo Keng dahil sa storyang inilabas ng Rappler noong ika-29 ng Mayo taong 2012, apat na buwan bago napatupad ang Cybercrime law.

Ngunit ginagamit ngayon ang pag-update ng artikulo noong 2014 upang madiin si Ressa.

Inireklamo ni Keng ang pag-uugnay diumano ng Rappler sa kanya sa iligal na droga at human trafficking.

Depensa ng Rappler, binanggit lang nila sa artikulo ang detalye base sa natanggap na intelligence reports.

Dumating sina Ressa at kanyang mga abogado sa Manila Regional Trial Court Branch 46 kaninang umaga para maghain ng piyansang P100,000.

CYBER LIBEL

JIGGY MANICAD

MARIA RESSA

PRESS FREEDOM

RAPPLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with