^

Bansa

‘Anti-Bastos’ Law pirma na lang ni Digong ang kulang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
âAnti-Bastosâ Law pirma na lang ni Digong ang kulang
Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, mas magkakaroon ng proteksyon ang mga kababaihan at mga miyembro ng LGBT community at maging “gender-men” kapag nalagdaan na ang panukala.
File Photo

MANILA, Philippines — Lagda na lamang ni Pangulong Duterte ang kulang para maging ganap na batas ang Safe Spaces Act na ituturing ding “Anti-bastos Law” kung saan magkakaroon na ng parusa ang catcalling o pagsipol sa mga babae.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, mas magkakaroon ng proteksyon ang mga kababaihan at mga miyembro ng LGBT community at maging “gender-men” kapag nalagdaan na ang panukala.

Sinabi ni Hontiveros na magkakaroon na ng “balance of power” sa pagitan ng mga babae at lalaki at sa pagitan ng superior at subordinate kung saan hindi maaa­ring magbastusan dahil lamang sa mas mataas o mas mababa ang posisyon ng isa.

Kabilang sa bawal sa panukala ang “catcalling, wolf-whistling” at maging ang pamimilit na paghingi ng number o paulit-ulit na pangu­ngulit.

Ipinaliwanag pa ni Hontiveros na pinaka-magaan sa puwedeng parusahan ay ang catcalling o paninipol samantalang pinakamabigat ang stalking.

ANTI-BASTOS LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with