^

Bansa

Water concessionaires pinananagot sa dumi sa Manila Bay

James Relativo - Philstar.com
Water concessionaires pinananagot sa dumi sa Manila Bay
Diretsong nagtutungo sa mga katawang tubig ang wastewater na hindi dumadaan sa tamang sewage system ayon kay dating house deputy speaker Lorenzo "Erin" Tañada.
File

MANILA, Philippines — Pinatitingnan ng isang senatorial candidate ang tipo ng sewerage lines na ibinibigay ng private water concessionaires sa mga consumers dahil sa diumano'y ambag nito sa dumi ng Manila Bay.

Ayon kay dating house deputy speaker Lorenzo "Erin" Tañada, 15 posyento lang ng water consumers ang kunektado sa sewer lines sa ngayon. Diretsong nagtutungo ang wastewater sa mga katawang tubig kung hindi daraan dito.

“We are paying sewerage fees to these companies for decades and yet only 15 percent of water consumers are connected to sewer lines. This means the Bay remains to be Manila’s toilet bowl,” sabi ni Tañada.

Sa isang text na ipinadala sa PSN, ipinaliwanag niya na ang datos ay para lamang sa Metro Manila.

"It's for Metro manila and nearby areas that are covered by Manila Water and Maynilad water services. Information came from DENR (Department of Environment and Natural Resources)," dagdag niya.

Sa pinirmahang concession agreement daw kasi ng Maynilad at Manila Water, kinakailangan ang 100 porsyentong sewer at sanitation coverage pagdating ng 2037.

Mahalaga raw ito upang matanggal ang contaminants sa itinatapong tubig bago dumiretso sa mga ilog at look.

Pro-people cleanup

Kasalukuyang nagsasagawa ng cleanup sa Manila Bay alinsunod sa utos ng gobyerno.

Gayunpaman, humaharap ito sa pambabatikos bunsod ng mangyayaring reclamation projects doon, bagay na pinapaboran ng Palasyo.

“They will be establishing companies there. Of course, there will be workers...When you clean up Manila Bay, certainly all of us benefit," ani presidential spokesperson Salvador Panelo.

Dati nang itinanggi ng Department of the Interior and Local Government na magsasagawa ng reclamation sa Manila Bay.

Kaugnay nito, nananawagan naman ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas na ideklarang "reclamation-free zone" ang Manila Bay. Naghain naman ng resolusyon ang Makabayan Bloc para isuspinde muna ang rehabilitasyon hangga't walang komprehensibo't "holistic" na pag-aaral sa magiging impact nito sa mga tatamaang sektor.

Tulad ng sinabi noon Kalipunan ng Damayang Mahihirap, nanindigan si Tañada na dapat isipin ang kapakanan ng mga informal settlers na maaapektuhan ng reclamation.

Inudyok ni Tañada ang gobyerno na gumawa ng maayos na relokasyon, compensation, at alternatibong pangkabuhayan para sa 220,000 pamilya ang maaaring mapaalis dahil dito.

“People go there despite the obvious health and human security risks because they need to survive. It’s never heaven to live around the coasts. Cleaning the area shouldn’t be at the cost of more families going into deeper poverty,” sabi ni Tañada, na tatakbo rin sa ilalim ng Otso Diretso senatorial slate.

Sabi noon ng grupong Kadamay, hindi dapat gamitin ang paglilinis ng Manila Bay para pagtakpan ang totoong layon ng pamahalaan na magpatupad ng reclamation projects para sa mga korporasyon.

“Kung lilinisin ang Manila Bay, linis lang. Ang problema, nagpapanggap pang nagkakawang gawa pero nag-aabang naman na ang napakaraming korporasyong para samantalahin ang pagkakataon. Pekeng rehabilitasyon ang ginagawa ngayon ng DENR sa ilalim ni Duterte,” sabi ni Kadamay national chairperson Bea Arellano noong Enero.

Ganyan din ang giit ni Tañada, na sinabing unahin ang tao bago ang interes ng mga negosyo.

“It will be dangerous for government to start negotiations with businesses and development banks on investment plans without a strategic and people-centered map to carry out the rehabilitation. We have seen how rehabilitation plans have put countries in more debts, poverty, and environmental risks because of bad planning."

Nauna nang tinutulan ng Kalikasan People's Network for the Environment ang naturang hakbang, at sinabing magiging masama ang epekto ng reclamation sa ngayo'y marumi ng Manila Bay.

Noong 2018, iniulat ni Environment Secretary Roy Cimatu na aabot na sa 330 milyon ang fecal coliform sa tubig nito kada 100 milliliters, malayo sa ligtas na lebel ng 100 MPN/100ml.

Sa darating na Araw Ng Mga Puso, isa lang aniya ang paalala ni Tañada sa pamahalaan.

“We love with intensity right? Cleaning up Manila Bay shouldn’t be done artificially and in haste. True love is just and it waits."

CLEANUP

MANILA BAY

PRIVATE WATER CONCESSIONAIRES

RELOCATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with