^

Bansa

Jinggoy: Wala kaming kasalanan ni Bong Revilla

Philstar.com
Jinggoy: Wala kaming kasalanan ni Bong Revilla
Itinataas ni dating senador Jinggoy Estrada ang kamay ng kapatid na si Sen. JV Ejercito sa campaign rally ng Hugpong ng Pagbabago sa San Fernando, Pampanga
The STAR/Paolo Romero

MANILA, Philippines — Binanatan ni Hugpong ng Pagbabago senatorial candidate Jinggoy Estrada ang nakaraang administrasyon ni Bengino Aquino III dahil sa pagkukulong sa kanya kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.

Sa pagsisimula ng official campaign season ngayong araw para sa mga tatakbo sa pagkasenador at party-list, sinabi ni Estrda na masisiguro niyang inosente siya sa lahat ng mga paratang.

"Kaya ang masasabi ko po sa inyong lahat, pwede kaming humarap ni Bong Revilla, taas noo, tumingin mata sa mata at sabihin sa inyo, wala po kaming kasalanan sa taumbayan," giit ng dating senador na napiit ng tatlong taon.

Humaharap sa kasong pandarambong (plunder) at graft kaugnay ng ngayo'y unconstitutional Priority Development Assistance Fund.

Dati na rin siyang humarap sa plunder kasama ang ama at dating pangulong Joseph Ejercito Estrada noong 2001.

Giit ni Jinggoy, napag-initan lang sila at dumaranas ng "selective justice."

"Mga kaibigan, alam niyo naman, pinagbakasyon kami noong nakaraang administrasyon dahil sa walang basehang kasong ipinararatang nila laban sa amin," dagdag ng artista't dating mayor ng San Juan.

"Kaya naman po mga kababayan, unti-unting nalalaman ng taumbayan na kami po ni Senator Revilla, ni Senator Enrile, at ang inyong lingkod ay biktima lang po ng selective justice."

Matatandaang dinepensahan ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang pag-endorso ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Estrada. Ipinagpapalagay pa rin daw kasing inosente siya ng batas hangga't walang pinal na hatol.

Nakalabas mula sa detainment si Estrada matapos payagang maghain ng piyansa.

'Yan din ang naging paninindigan ni Ramon Bong Revilla Jr, na dumalo rin sa kampanya ng HNP sa Pampangga bilang senatorial candidate.

"December 7 noong lumabas ang katotohanan, na-acquit po ang inyong lingkod, na wala po akong kasalanan sa mga ibinibintang sa akin noong nakaraang administrasyon."

Bagama't napawalang-sala ng Sandiganbayan, inutusan pa rin si Revilla na isaoli sa National Treasury ang P124.5 million.

Hindi naman daw isasaoli ni Revilla ang pera.

Sa botong 3-2, sinabi ng anti-graft court noong 2018 na hindi mapatunayang "beyond reasonabe doubt" na nakatanggap siya ng kickback sa PDAF.

"Four years, six months po akong nakakulong. One year akong dinurog sa media. Halos ngayon, para kang buhay na tinatalupan, at yung sakit ay tumatagos sa 'yong pamilya," sabi ng dating bida sa "Dugo ng Panday."

Maliban sa HNP candidates, dumalo rin sina HNP chairperson Sara Duterte at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa event.

Si Arroyo rin ang district representative ng Pampanga.

Bato hinarana ang kabataan

Sa parehong pagtitipon, inawitan naman ng "You are the reason" ni HNP candidate at dating Philippine National Police chief Ronald "Bato" dela Rosa ang kabataan.

Aniya, sila raw talaga ang dahilan kung bakit siya tatakbo sa pagkasenador.

"[K]ayong mga kabataang Pilipino, you are the reason bakit si Bato tumakbo sa Senado. Dahil ang ipinaglalaban ni Bato, hindi pagkain, hindi edukasyon, hindi kayamanan, kundi buhay. Buhay ng libu-libong kabataang Pilipinong nasisira ang kinabukasan dahil sa iligal na droga," dagdag ng dating hepe.

"Kayong mga kabataang Pilipino, you are the reason bakit si Pangulong Duterte nagdeclare ng war on drugs. Because he wanted to save your future."

Aminado mang walang karanasan sa pulitika, ipinagmalaki na lang niya ang "kalinisan" ng kanyang puso.

Si Dela Rosa ang namuno sa "War on Drugs" ng gobyerno, na ikinamatay din ng maraming kabataan. Pinakatampok na riyan ay ang kaso ni Kian delos Santos.

Party-list campaign umarangkada na rin

Binuksan naman ng Kabataan Partylist ang campaign period sa pagprepresenta ng "Agenda ng Kabataan" kaninang 6:30 a.m. sa tapat ng University of Santo Tomas.

Ilan sa mga inilatag nilang isyu ay ang libreng edukasyon, pagbabasura sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law, repormang agraryo, at pagtatanggol sa kalikasan.

"The campaign for free and quality education is far from over; and ultimately the struggle of the youth is bound to the struggle for education! Our state universities and colleges are currently facing severe budgets cuts which totally undermines what free education means while our pivate Higher Edcuation institutions continue to increase in tuition and other school fees," ani Sarah Elago, incumbent representative ng Kabataan.

Maliban sa pananawagan ng pagtigil sa mga atake sa karapatang pantao, hinamon din nila ang iba pang kumakandidato na makinig sa daing ng sambayanan.

"This coming elections, Kabataan Partylist will carry the 'Agenda ng Kabataan' as we seek re-election and to serve the people once again through the halls of Congress," dagdag ni Elago.

Sa kabila ng pag-arangkada ng senatorial ang party-list campaigns, sa ika-23 ng Marso pa naman magsisimula ang pangangampanya ng mga tatakbo para sa lokal na gobyerno.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

BONG REVILLA

JINGGOY ESTRADA

KABATAAN PARTYLIST

PORK BARREL SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with