^

Bansa

BI inirekomenda ang deportation ng dayuhang namato ng taho sa pulis

James Relativo - Philstar.com
BI inirekomenda ang deportation ng dayuhang namato ng taho sa pulis
Maaalalang inaresto si Zhang Jiale nang sabuyan ng taho ang kawani ng Philippine National Police matapos pigilang magpasok ng inumin sa MRT Boni station.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Inirekomenda na ng legal division ng Bureau of Immigration na hainan ng deportation case ang Chinese national na namato ng taho sa Manila Metro Rail Transit-3 noong Sabado.

Maaalalang inaresto si Zhang Jiale nang sabuyan ng taho ang kawani ng Philippine National Police matapos pigilang magpasok ng inumin sa MRT Boni station.

"Our legal team saw that there was probable cause to file a deportation case against her," ani BI spokesperso Dana Sandoval.

(Nakakita ng probable cause ang aming legal team para maghain ng kaso ng deportasyon laban sa kanya.)

Dagdag ni Sandoval, kitang-kita naman daw kasi ang insidente sa mga litratong kumakalat.

Ibinahagi ng BI na maaring paalisin ng bansa ang babae dahil sa pagiging banta diumano sa interes ng publiko at paglabag sa immigration laws.

Kung made-deport, sinabi ni Sandoval na kinakailangan munang harapin ni Zhang ang demanda ng pulis laban sa kanya.

"Tuloy pa rin. Kailangan ma-resolve yun first before we implement the deportation, if found deportable," paliwanag niya sa mga reporter.

Inirekomenda nang kasuhan si Zhang kahapon ayon sa inilabas na inquest resolution ng Department of Justice Office of the Prosecutor ng Mandaluyong City.

Maaari siyang humarap sa kasong direct assault, disobedience to an agent of person in authority, at unjust vexation.

Iaangat naman daw sa BI board of commissioner ang rekomendasyon ng legal team na i-deport si Zhang.

Nagpahayag naman ng kanyag disgusto si BI comissioner Jaime Morente kaugnay ng insidente.

"This is an utter display of disobedience and arrogance against a person of authority. The bureau will not tolerate such acts, as this shows disrespect to the country," sabi niya.

(Tahasang pagpapakita ito ng 'di pagsunod at kayabangan laban sa otoridad. Hindi ito kukunsintihin ng bureau.)

Sa pahayag ng immigration office, sinabi na dumating si Zhang sa Maynila Oktubre noong 2018 sa pamamagitan ng special resident retiree's visa.

Agad naman daw ilalagay si Zhang sa watchlist ng BI oras na maaprubahan ang deportation charge.

'Gusto ko talaga ang Pilipinas, sorry'

Nagpaumanhin na ang 23-anyos na estudyante tungkol sa insidente at sinabing "bad mood" lang siya kung kaya't nagawa ito.

Kasalukuyang nag-aaral ng fashion design si Zhang sa Pilipinas.

"I'm really in bad mood and I was not able to control my emotion. I really admit the mistake I made and I feel so regretful," ayon sa ulat ng GMA News.

(Masama lang talaga ang pakiramdam ko noon at hindi ko nakontrol ang aking emoyon. Inaamin ko ang pagkakamali at pinagsisisihan ko na.)

Humihingi ngayon ng ikalawang pagkakataon si Zhang sa otoridad upang hindi tuluyang ma-deport.

Anim na taon nang nasa bansa ang Chinese.

"I really like the Philippines that's why I stay here. I like people here. I really love Filipinos."

(Gusto ko talaga ang Pilipinas kaya dito na ako tumira. Gusto ko ang mga tao rito. Mahal ko ang mga Pilipino.)

Nagsalita na si Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. tungkol sa isyu at tumutol sa panukalang pauwiin ang babae.

"... Charge her. But deport? She's a student who believes enough in us to study here," sabi niya sa kanyang tweet noong ika-10 ng Pebrero.

(Kasuhan niyo. Pero ipa-deport? Mag-aaral 'yan na naniniwala sa atin kung kaya't dito siya nag-aaral.)

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

MRT

TAHO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with