^

Bansa

Pulis na sinabuyan ng taho ginawaran ng medalya

James Relativo - Philstar.com
Pulis na sinabuyan ng taho ginawaran ng medalya
Nangyari ang insidente nang sabuyan ni Jiale Zhang, isang Chinese national, si Cristobal alas-otso y media ng umaga nang pagbawalang magpasok ng inumin sa MRT-3 Boni Avenue station sa Mandaluyong, Sabado.
News5/Ryan Ang

MANILA, Philippines — Tumanggap ng Medalya ng Papuri si Police Officer 1 William Cristobal, ang pulis na tinapunan ng taho sa istayon ng tren, kanina sa Camp Crame.

Nangyari ang insidente nang sabuyan ni Jiale Zhang, isang Chinese national, si Cristobal alas-otso y media ng umaga nang pagbawalang magpasok ng inumin sa MRT-3 Boni Avenue station sa Mandaluyong, Sabado.

Agad namang dinala si Zhang sa PNP-RMFB Detachment sa Shaw Boulevard Station at kinasuhan ng direct assault, disobedience to an agent of person in authority, at unjust vexation noong ika-9 ng Pebrero.

Humingi naman daw ng tawad ang dayuhan sa mga otoridad at pinalaya.

Inirerekomenda na ng National Capital Region Police Office na maideklarang "undesirable alien" ang dayuhan na maaring gamiting basehan ng Bureau of Immigration para siya'y ma-deport.

Pinaalalahanan naman ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na maging mahinahon ang publiko sa gitna ng insidente lalo na't maraming overseas Filipino workers sa Tsina.

Maaari raw kasing gantihan o kuyugin ang mga Pinoy doon dahil sa mga "xenophobic" na pahayag.

"But then again we have workers in China and the Chinese public may behave as irrationally as a few people on Twitter. Wouldn't want that to happen in China or anywhere in the world where our people work. This is not to condone taho flinging but a sense of proportion puhleese.

Nagpaalala naman ang pamunuan ng MRT na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapasok ng anumang inumin sa loob ng tren.

"[I]t should also be noted that even before the recent ban of bottled water, drinks and liquids, consumption of unsealed food and drinks are prohibited inside trains and stations as this can cause inconvenience, accident and delay to our operations," sabi sa isang statement

Matatandaang naglabas ng direktiba ang Philippine National Police na nagbabawal sa pagpapasok ng anumang likido sa loob ng MRT-3, LRT-1, at LRT-2 dahil sa mga pangamba sa seguridad kaugnay ng pagsabog sa Jolo, Sulu.

Maaari kasing mailagay sa mga likido ang kemikal na nitroglycerin para makagawa ng "liquid bomb."

"Liquid bomb is composed of nitroglycerin. Nitroglycerin is composed of four components: carbon, nitrogen, hydrogen and oxygen. It's component in some relatively stable solid explosives, like dynamite. But, as a liquid, it is extremely dangerous and volatile," sabi ng DOTr MRT-3 sa kanilang Facebook post.

Related video:

MRT

PHILIPPINES NATIONAL POLICE

TAHO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with