^

Bansa

P24-B Mindanao road project nilagdaan ng Phl at Japan

Pilipino Star Ngayon
P24-B Mindanao road project  nilagdaan ng Phl at Japan
Nagbigay galang kay Pangulong Duterte si Japanese Foreign Minister Taro Kono nang mag-courtesy call ang huli sa Davao City.

MANILA, Philippines — Nilagdaan na nina Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. at Japan Foreign Minister Taro Kono ang memorandum of agreement para sa P24-billion Mindanao road network project.

Ang paglalagda sa ilang development agreement sa pagitan ng dalawang opisyal ay nangyari kasunod ng pulong nina Kono at Pangulong Duterte.

Kabilang sa mga kasunduan na nilagdaan ang Road Network Development Project sa mga conflict-affected areas sa Mindanao.

Sa ilalim ng naturang kasunduan, papayagan ng Japan ang gobyerno ng Pilipinas na makapag-loan ng mahigit $202 million para tulungan pondohan ang P24-billion road project.

Sa nangyaring paglalagda, muling iginiit ni Kono ang suporta ng Japan sa Bangsamoro Organic Law, at sa pag-unlad ng Mindanao.

Nagpaabot din ng suporta ang Japan sa martime security, human resource development, at iba pang development projects.

TARO KONO

TEODORO LOCSIN JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with