DJ maglalabas ng album sa 'bala' ng Sega Genesis
MANILA, Philippines — Sa mundo ng musika, kapansin-pansin ang pagbabalik ng plaka (vinyl) at cassette tapes sa merkado, ngunit isang electronic artist mula Germany ang handang itulak ang kanyang retro "aesthetic" sa panibagong lebel.
Plano ng techno artist na si Remute na ilabas ang kanyang "Technoptimistic" LP sa bala (cartridge) ng Sega Genesis ngayong Marso.
The first plug and play techno album cartridge for the Sega Mega Drive is coming soon. 'Technoptimistic' will be released in March. pic.twitter.com/SKWjyuRn5d
— remute (@remute) January 29, 2019
Kilala rin sa tawag na Mega Drive, unang inilabas ang gaming console na Sega Genesis noong 1988 sa Japan — mas bata lang nang kaonti sa dati mong Family Computer (Nintendo Entertainment System).
Paliwanag niya sa gaming site na Eurogamer, hindi ni-record ang album ngunit prinogram gamit ang espesyal na software.
"Every time you plug the cartridge into the console the music gets generated in real-time by the console," ayon sa kanya.
Kadalasang inilalagay sa CD na may 700 megabytes ang album na makikita mo sa record stores. Ngunit ang cartridge na ito, 4MB lang.
"Technoptimistic is quite literally a fully electronic album as electricity generates the music every time you switch on the console in real-time. The Mega Drive console has a unique sound coloured by its Yamaha FM soundchip - a sound that instantly reminds you of Blade Runner, Cyberpunk and well, digitisation in a technoptimistic."
Hindi siya nag-iisa sa estilong ito sa loob ng electronic music scene.
Maliban sa kanya, malimit ding gamitin ang elemento ng nostalgia sa ibang generes tulad ng lofi hiphop at vaporwave.
Bago pa ito, dati nang nakilala si Remute nang ilabas niya ang kanyang full album na "Limited" sa diskette (mini floppy disk) taong 2017.
- Latest