10 BIFF fighters, sumuko
MANILA, Philippines — Sumuko sa tropa ng militar ang isang Sub Commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at siyam pa nitong tauhan sa tropa ng militar sa Shariff Aguak, Maguindanao, ayon sa opisyal kahapon.
Sinabi ni Captain Arvin Encinas, Spokesman ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na ang mga sumukong BIFF ay mula sa Karialan faction.
Ang mga ito ay sumurender sa tropa ng 601st Infantry Brigade (IB) ng PA sa ilalim ng pamumuno ni Brig. Gen. Diosdado Carreon na iprinisinta kamakalawa kay 6th ID Commander Major Gen. Cirilito Sobejana.
Isinurender din ng mga ito ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng 50 caliber Barret rifle, Ultimax 5.56 MM rifle, M14 rifle at 45 cal . pistol na may sari-saring magazine at mga bala.
Kinilala ang mga sumukong sina Commander Gani Saligan, 4th Brigade Commander ng 2nd Division ng BIFF at mga tauhan nitong sina Rafael Asim, Ksain Bantilan, Alex Datungan, Aladin Saligan, Longs Bantilan, Elmer Mangatog, Alan Saligan, Muhammid Maslamama at Kanaw Maslamama.
Sa inisyal na interogasyon, sinabi ni Saligan na nais na niyang magbagumbuhay kapiling ng kaniyang pamilya kaya nagdesisyong sumurender.
- Latest