^

Bansa

Korapsyon sa Pilipinas nabawasan — watchdog

Philstar.com
Korapsyon sa Pilipinas nabawasan — watchdog
Nakakuha ang bansa ng 36 puntos para sa taong 2018, mas mataas kaysa sa 34 noong 2017.
Presidential photo/Robertson Niñal Jr.

MANILA, Philippines — Bahagyang gumanda ang lagay ng Pilipinas sa 2018 Corruption Perceptions Index na isinagawa ng global anti-corruption watchdog na Transparency International.

Nakakuha ang bansa ng 36 puntos para sa taong 2018, mas mataas kaysa sa 34 noong 2017.

Sa CPI, ini-iskoran ng zero ang mga bansang may pinakamatitinding korapsyon habang 100 naman ang ibinibigay sa mga may "pinakamamalinis na pamahalaan."

Dahil dito, pang-99 na sa listahan ng mga transparent na gobyerno ang Pilipinas mula sa dating ika-111.

Gayunpaman, malayo pa ito sa regional average ng Asya-Pasipiko na nasa 44 ayon sa grupo.

Pinu-pulsuhan ng CPI ang mga eksperto't negosyente sa kung ano sa 180 bansa ang sa tingin nila'y pinakakorap at pinakamatuwid.

Pasok sa top 10 "least courrupt" ang Denmark, New Zealand, Finland, Singapore, Sweden, Switzerland, Norway, Netherlands, Canada at Luxembourg.

Ayon sa Transparency International, naantala ang pagsusumikap ng karamihan ng bansa na masugpo ang katiwalian.

“The continued failure of most countries to significantly control corruption is contributing to a crisis of democracy around the world,” sabi ng grupo.

Hinikayat ng Transparency International ang lahat ng pamahalaan na palakasin ang mga institusyon na magpapanatili ng checks and balances ng pampulitikang kapangyarihan upang masukol ang katiwalian na siyang mapagtibay ng demokrasya.

“With several democratic institutions under threat across the globe – often by leaders with authoritarian or populist tendencies – we need to do more to strengthen checks and balances and protect citizens’ rights,” ani Patricia Moreira, managing director ng Transparency International.

Dapat daw ay suportahan ng mga pamahalaan ang civil society organizations, na nakapagpapataas ng pakikilahok sa pulitika.

“Corruption chips away at democracy to produce a vicious cycle, where corruption undermines democratic institutions and, in turn, weak institutions are less able to control corruption,” dagdag ni Moreira.

"Pinakakorap" sa listahan ay ang Somalia, Suth Sudan at Syria na nakakuha ng 10 at 13 sa index.

Tinataya ng watchdog na nakatatamasa ng "full democracy" ang may mga puntos na 75, "flawed democracy" sa 49, "hybrid regime" (may elemento ng pagiging diktadurya) sa 35, at "autocratic regimes" sa average score na 30.

Nanawagan din sila na suportahan ang malaya at nakapag-iisang mass media at siguruhin ang kaligtasan ng mga peryodista nang makapagtrabaho sila nang walang pangamba at takot.

CORRUPTION PERCEPTIONS INDEX

GOVERNMENT

TRANSPARENCY INTERNATIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with