^

Bansa

Kasootan 'kontra kagat ng pating' tine-testing na

Philstar.com
Kasootan 'kontra kagat ng pating' tine-testing na
Kuha ng kinatatakutang pating sa ilalim ng tubig.
Photo courtesy of Pixabay.com

MANILA, Philippines — Ilang materyales ang susubukin ng isang unibersidad sa Australia para mabawasan ang bilang ng mga namamatay sa kagat ng pating ayon sa mga researchers nito ngayong Martes.

Nakatanggap ng pondo ang ilang mananaliksik mula sa Flinders University sa Adelaide para subukin ang panibagong "neoprene" — isang synthetic rubber na kadalasang ginagamit sa wetsuits — laban sa bangis ng pangil ng iba't ibang species, kabilang ang kinatatakutang great white shark.

Layon nitong mabawasan ang mga sugat at pinsalang natatamo mula sa mga pag-atake, bagay na maaaring ikabawas sa dugong mawawala sa mga biktima.

Tumanggi namang ang unibersidad na ilantad ang manufacturer nito.

"We are cognisant that it will not prevent all injuries as it will not prevent fractures or crushing injuries," pagbabahagi ni associate professor Charlie Huveneers.

(Batid naming hindi nito mapipigilan ang lahat ng injury tulad ng pagkabali ng buto o pinsala mula sa pagkadurog.)

Gayunpaman, hindi raw ito ang madalas na ikinamamatay ng mga nakakagat.

"[M]ost shark-bite fatalities are due to blood loss, and the ability to reduce such blood loss along with rapid emergency responses will hopefully decrease fatalities and injuries due to shark bites," dagdag niya.

(Karamihan sa mga namamatay sa kagat ng pating ay dahil sa pagkaubos ng dugo, at maaaring malaki ang maitulong nito sa pagligtas ng mga biktima kasabay ng mabilis na emergency response.)

Umabot sa 27 ang nadisgrasya mula sa mga pating sa Australia noong 2018 ayon sa datos ng Taronga Zoo sa Sydney, Australia. Kasama sa mga insidente ang pagkamatay ng isa sa Whitsunday Islands, isang sikat na tourist destination, malapit sa Great Barrier Reef.

Bagama't maliit ang bilang ng mga pag-atake, nangangamba pa rin daw ang publiko tungkol dito, dagdag ni Huveneers.

"When a shark bite occurs, it can have severe physical, mental, social, and economic consequences. It is therefore important to keep developing new means of reducing shark bite risks and ensure the efficacy of such new products."

(Sa tuwing mangangagat ang mga pating, maaari itong magdulot ng malalang physical, mental, social, at economic na kahihinatnan. Dahil dito, importanteng bumuo ng mga bagong pamamaraan ng pagbawas ng panganib at masiguro ang bisa ng mga bagong produkto.)

Gagamitin ang bagong neoprene kasama ang mga standard materials na karaniwang ginagamit ng mga surfer at divers.

Nakatakdang ilabas ang resulta ng pagsusuri sa huling bahagi ng 2019. – James Relativo

vuukle comment

FLINDERS UNIVERSITY

SHARK BITES

WETSUIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with