^

Bansa

Jolo bombing 'di mapipigil ang ika-2 plebisito ng BOL

Philstar.com
Jolo bombing 'di mapipigil ang ika-2 plebisito ng BOL
Kita sa litrato ang ilan sa mga sugatang sundalo sa isang ospital sa Jolo, Sulu matapos ang madugong pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral.
Handout ng Western Mindanao Command mula sa Joint Task Force Sulu

MANILA, Philippines —  Hindi nakakikita ng dahilan ang Commission on Elections upang ipagpaliban ang plebisito ng Bangsamoro Organic Law sa ika-6 ng Pebrero sa kabila ng magkasunod na pagsabog sa isang simbahang Katoliko sa Jolo habang nagmimisa noong Linggo.

Maliban dito, hindi pa nila nakikitang kakailanganin ang Comelec control sa lugar.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, apat na buwan pa bago ang midterm elections. Wala pa rin daw silang nakukuhang rekomendasyon upang ilagay sa pangangasiwa nila ang Jolo. Maliit daw ang posibilidad na makaapekto ang nasabing gulo sa nalalapit na plebisito.

“Our preparation is normal. If anything, the police will probably just be on greater watchfulness,” paglalahad ni Jimenez sa isang press briefing.

Hihintayin pa raw ng Comelec ang resulta ng pagsusuri ng Philippine National Police kung may kinalaman ang pagpapasabog sa BOL na bubuo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“But ultimately, it will not affect the outcome of the elections since the plebiscite is already over and result has already been released,” banggit ni Jimenez.

Sa ika-6 ng Pebrero malalaman kung anu-ano pang lugar ang idadagdag sa BARMM.

'Bigyan ng boses ang 'di makapagsalita'

Inudyok naman ni Vice President Leni Robredo ang pamahalaan na tignan ang mga inaalala ng mga bumoto tutol sa ratipikasyon nito.

Sinabi ni Robredo na kinakailangang marinig ang lahat ng tinig sa napipintong pagtatatag ng BARMM.

Tinanggihan ng Isabela City, Basilan at ng probinsiya ng Sulu ang BOL sa plebisito na naganap Lunes noong nakaraang linggo. 

Giniit ng bise presidente na hindi masosolusyunan ng BOL ang deka-dekadang suliranin sa Mindanao.

Gayunpaman mahalagang instrumento pa rin daw sabi ni Robredo ang BOL para sa mamamayan ng Mindanao, mga taong sa tingin nila'y matagal nang napabayaan at hindi makapagpahayag ng sarili.

“It’s important to have a platform that will give voice to the voiceless,” sabi niya.

Sinabi naman ni dating pangulo at ngayo'y alkalde ng Maynila na si Joseph Estrada na hindi matitiyak ng BOL ang tuloy-tuloy na kapayapaan sa Mindanao.

Sa ika-118 anibersaryo ng Manila Police District, sinabi naman ni Estrada na iisa lang dapat ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at watawat.

Matatandaang nagpatupad ng all-out-war si Estrada laban sa Moro islamic Liberation Front at iba pang pwersang secessionist (nais humiwalay) sa Mindanao noong siya'y pangulo pa.

Umaasa naman ang Manila mayor na wala nang susunod na pambobomba dahil kaya aniya ng pangulo ayusin ito sa pamamagitan ng "political will."

Naniniwala naman si Estrada na hindi aabot sa Kamaynilaan ang kaguluhan sa Jolo o anumang bahagi ng bansa dahil mapagmatyag daw ang PNP at Armed Forces of the Philippines.

Palagay naman si Finance Sec. Carlos Dominguez III, na nabigyan ng titulong datu at naging honorary member ng Bangsa Maranao sa Davao City kahapon, na maghahawan ng daan para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ang ratipikasyon ng BOL.

Pero hindi naman daw ito "instant" na solusyon sa mga suliranin na hinaharap ng Mindanao sa mahigit kalahating siglo.

“We must be aware… that there is no easy path to redemption. There is no magic wand that will instantly cure the malaise we confront – not a new configuration of governance and certainly not a single political speech,” ayon kay Dominguez.

Nakakalap na raw ng P40 bilyon ang Department of Finance sa kanilang pagsisikap na makahingi ng suporta mula sa multilateral institutions at mga kaibigan ng Pilipinas sa global community upang makatayo uli sa sariling paa ang lungsod. Kalahati ito ng kakailanganin upang marehabilita at muling maitayo ang lugar.

Reaksyon ng international community

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Russian president Vladimir Putin kay Pangulong Duterte kaugnay ng pag-atake sa Jolo.

Ikinatuwa naman ng United Kingdom, Norway, at labor group na Federation of Free Workers ang ratipikasyon ng BOL at kinundena ang pagpapasabog sa Jolo.

Pagbibigay ng makasaysayang oportunidad at kapayapaan daw ito sa Mindanao sabi ng UK.

“The UK has directly supported the peace process for many years, and stands ready to continue this support during the creation of the (BARMM)," sabi ng pahayag.

Nagpaabot naman ng mga panalangin ang Minister for Asia and the Pacific na si Mark Field at British Ambassador Daniel Pruce para mga naulila ng insidente.

“The UK stands with the Philippines against terror and hatred,” ani Field.

Ito rin ang ipinahiwatig ni Norwegian Ambassador Bjørn Jahnsen sa Twitter.

“We fully support the Bangsamoro peace process and we are an ally for longstanding peace and development in the Philippines," sabi ng Norway.

Sa bahagi ng FFW, sinabi ng presidente nilang si Sonny Matula na hindi makukuha ang tuloy-tuloy na kapayapaan sa Mindanao sa pamamagitan ng all-out-war laban sa mga rebelde.

“With the adoption of the BOL and the transition under the MILF leadership as well as the decommissioning of its armed group, we can now move forward in a faster phase in national development and lasting peace in southern Philippines,” sabi ni Matula.

Giit ng FFW, hindi gawi ng mga Muslim at Kristiyano ang nangyari sa Jolo ngunit ng mga "terorista" at "barbaro."

“The Philippine authorities need to pursue the perpetrators unrelentlessly and arrest them to face accountability in the bar of justice,” dagdag ni Matula.

Nagpahayag naman ng suporta ang embahada ng France sa Pilipinas at Micronesia at sinabing magiging katuwang sila sa laban kontra terorismo.

"France extends its condolences to the victims' families, as well as to the Filipino people. It stands alongside the Philippines in the fight against terrorism."

BOL PLEBISCITE

COMELEC

JOLO CATHEDRAL TWIN BOMBING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with