^

Bansa

6 ‘bombers’ naispatan sa CCTV?

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
6 �bombers� naispatan sa CCTV?
Anim ang persons of interest na nakita habang kahinahinalang tumatakas sa blast site.

Jolo Cathedral blast

MANILA, Philippines — Anim na persons of interest ang natukoy ng mga awtoridad na sangkot sa dalawang insidente ng pagpapasabog sa Mount Carmel Church sa Jolo, Sulu kamakalawa na kumitil ng buhay ng 20 katao habang 112 pa ang nasugatan.

Sinabi ni National Security Adviser ret. Gen. Hermogenes Esperon Jr., na anim na persons of interest ang natukoy sa CCTV na posibleng may kinalaman sa pambobomba.

Inihayag niya na nasa anim ang persons of interest na nakita habang kahinahinalang tumatakas sa blast site.

Nabatid pa sa opis­yal na Agosto pa lamang ng nakalipas na taon ay may natanggap nang intelligence report na magpapasabog ang teroristang grupo.

Kaugnay nito, tinukoy naman na kapatid ng isa sa mga lider ng Abu Sayyaf na isang alyas Kamah, kapatid ng lider ng Abu Sayyaf Commander Surakah Ingog, ang isa sa naispatan sa CCTV.

Nabatid na si alyas Kamah ay isang bomb expert ng mga bandido na nakabase sa lalawigan ng Sulu. (May dagdag na ulat si Rhoderick Beñez)

vuukle comment

HERMOGENES ESPERON JR.

MOUNT CARMEL CHURCH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with