PNP inalerto sa buong bansa
MANILA, Philippines — Isinailalim na kahapon sa nationwide heightened alert ni Philippine National Police Chief P/Director General Oscar Albayalde ang 180,000 malakas na puwersa ng kapulisan sa buong bansa matapos ang malagim na pagpapasabog sa Our Lady of Mt . Carmel sa Jolo, Sulu na kumitil ng buhay ng 20 katao habang 112 pa ang nasugatan kamakalawa ng umaga.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Bernard Banac na epektibo alas-12:00 ng hatinggabi nitong Enero 27, 2019 ay isinailalim sa nationwide heightened alert ang puwersa ng pulisya.
Kabilang sa 20 nasawi ay limang sundalo, isang miyembro ng Philippine Coast Guard at 14 sibilyan habang kabilang naman sa mga nasugatan ay dalawang pulis, 18 AFP personnels, 2 Coast Guard at 90 mga sibilyan.
Ang mga nasugatan ay kasalukuyan nang nilalapatan ng lunas sa pagamu tan.
Naganap ang pagpapasabog sa Jolo Cathedral ilang araw naman matapos na matalo sa plebisito ang Yes vote para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) kung saan “solid no vote ‘ ito sa buong lalawigan ng Sulu.
Ayon kay Banac ang nationwide alert status ay naglalayong hindi na muling maulit pa o hindi magkaroon ng spillover ang pambobomba ng mga terorista sa Jolo Cathedral sa iba pang lugar.
Inihayag pa ng opisyal na lahat ng anggulo ay masusing tinitingnan upang matukoy ang motibo ng pagpapasabog sa Jolo Cathedral habang nanawagan rin ito sa mga sibilyan na manatiling kalmado at maging vigilante upang maiwasan ang maging biktima ng pagatake ng teroristang grupo.
- Latest