AGAP umaapela kay “Digong”
MANILA, Philippines — Bunsod ng matinding pagkalugi kaya umaapela kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) na tulungan sila at sagipin sa kanilang hanapbuhay dahil sa “pagbaha” ng mga imported Agri-products sa bansa.
Sa isang media forum sa Quezon City, sinabi ni AGAP President Nicanor Briones na marami sa mga magsasaka, magmamanok, magbababoy, mangingisda ang unti-unti nang tumitigil sa paghahanapbuhay dahil sa matinding pagkalugi makaraang buksan ng pamahalaan ang pag-aangkat ng iba’t-ibang produktong pang-agrikultura sa ibang bansa. Ayon kay Briones, over supply ngayon ng karne ng baboy, manok at iba pang agri-product kaya bagsak ngayon ang presyo sa merkado ang sariling produkto na ‘produce’ ng mga Pilipino.’
Nakatanggap ng impormasyon ang AGAP na maging ang mga imported na bawang at sibuyas ay ‘bumabaha’ ngayon sa mga storage na tiyak na magpapalugi at magpapabagsak sa mga ‘onion at garlic farmers’ sa bansa.
- Latest