Aksyon Demokratiko kinondena ang age of ‘criminal responsibility’
MANILA, Philippines — Hindi makatarungan ang pagbaba ng edad ng “criminal responsibility” maging 9 o 12 taong gulang pa man ito. Matapos sa kongreso ay patuloy na tinatalakay ang nasabing batas sa Senado.
Ayon kay Leon Flores III, vice-president for Policy and Research ng Aksyon Demokratiko, reporma at hindi parusa ang kailangan ng ating mga kabataan.
Hindi anya maitatama ng batas ng pagbaba ng edad para makulong ang musmos na kaisipan ng mga kabataan kapag sila’y nagkamali.
Nararapat dalhin sila sa isang lugar kung saan sila ay matuturuan, mapagbabago ang kaisipan at mamumulat sa tama at hindi dapat sa piitan, sabi pa ni Flores na dati ring chairperson ng National Youth Commission.
Sa “mass-oathtaking” ng partido, nagsama-sama ang mga kandidatong naniniwala sa mga prinsipyong ipinaglalaban ng Aksyon at ito ay ang maayos na pamamahala at pantay na karapatan para sa lahat.
Kabilang dito sina dating Solicitor General Florin ‘Pilo’ Hilbay na kandidato sa pagka-senador ng partido, Konsehala Marielle del Rosario sa pagka-kongresista sa Navotas, Vico Sotto na tumatakbong alkalde sa Pasig, dating Pasig congressman Roman Romulo na muling tumatakbo sa kongreso at halos 50 kandidatong lokal mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
- Latest