12-anyos ‘swak’ sa krimen
House atras sa 9-anyos
MANILA, Philippines — Mula sa siyam na taong gulang ay ginawa nang 12 taong gulang ang panukalang nagpapababa sa edad ng criminal responsibility.
Ito ay matapos aprubahan sa plenaryo sa 2nd reading ang House bill 8858.
Nilinaw ni House Committee on Justice Rep. Salvador Leachon na ang pagbabago mula sa naunang edad na 9 na taong gulang at ginawa itong 12 ay dahil napagkasunduan ito ng lahat ng miyembro ng Kamara.
Paliwanag pa ni Leachon na inisa-inisa niyang kausapin ang mga kongresista kung ano talaga ang edad na nais nila at ang 12 anyos ang napagkasunduan ng lahat.
Sa ilalim ng panukala, hindi ikukulong ang mga bata at hindi ihahalo sa mga kriminal na nasa ordinaryong kulungan.
Ang mga batang nakagawa ng krimen tulad ng murder, parricide, infanticide, carnapping, kidnapping, rape with homicide at paglabag sa Dangerous Drugs Act ang tanging sasailalim sa rehabilitasyon at confinement sa Bahay Pag-asa o sa Agricultural camp training center.
Itinatakda naman ang anim na buwang pagkakakulong laban sa mga magulang na hindi sasailalim sa mandatory program.
Sa Lunes naman inaasahang ipapasa sa ikatlo at pinal na pagbasa ang nasabing panukala.
- Latest