^

Bansa

Pagtanggol ng Palasyo sa mga 'epal' na kandidato kinastigo

James Relativo - Philstar.com
Pagtanggol ng Palasyo sa mga 'epal' na kandidato kinastigo
Kuha nina Pangulong Rodrigo Duterte at senatorial candidate Christopher "Bong" Go noong 2018.
Presidential Photo/Ace Morandate

MANILA, Philippines — Binanatan ng isang grupo ng mga kabataan ang pagtatanggol ni presidential spokesperson Salvador Panelo kay Pangulong Duterte sa pagkakaroon ng mga kandidato sa pagkasenador sa mga official events ng Palasyo.

Sinabi ng Samahan ng Progresibong Kabataan na pinagtatakpan lang ni Panelo ang mga kaalyado ng administrasyon na gumagamit sa makinarya at pasilidad ng gobyerno para mangampanya.

“No matter how much sugarcoating Palace officials exert to shield Duterte of partisanship and his allies of exploiting the bureaucracy, they will fail to convince ordinary Filipinos to elect them,” said Shara Mae Landicho," ayon sabi Shara Mae Landicho, tagapagsalita ng SPARK.

(Kahit na anong pilit ng mga opisyal ng Palasyo na pagtakpan ang pagkampi ni Duterte at kanyang mga kaalyado sa pagsasamantala sa burukrasya, mabibigo silang makumbinsi ang karaniwang Pilipino na ipanalo sila.)

Pandidiri raw ang ibibigay sa kanila ng taumbayan, hindi paghanga at boto.

Sa press briefing para sa Malacañang Press Corps kahapon, sinabi ni Panelo na hindi dinadala ng pangulo ang mga kandidato. Aniya, sadyang dinadayo lang nila ang mga events.

"These candidates are very creative, they know the schedule of the president. So they go there... If you noticed, yung mga speeches niya dire-diretso. Tapos biglang, 'Ah!' kapag nakita niya [yung kandidato]. Then he says something good. Ganun siya eh. So it's not intentional on his part."

(Malikhain ang mga kandidatong ito, alam nila ang schedule ng Presidente. Kaya pumupunta sila doon... Kung mapapansin niyo, yung mga talumpati niya dire-diretso. Tapos biglang, 'Ah!' kapag nakita niya [yung kandidato]. Tapos magsasabi siya ng mabuti. Hindi niya yun sinasadya.)

Ilan sa mga nauna nang inendorso ng pangulo sa kanyang public appearances ay sina dating Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go, mang-aawit na si Freddie Aguilar, dating political adviser na si Francis Tolentino, dating Philippine National Police chief Ronald dela Rosa at dating senador na si Mar Roxas.

“The outcome of the 2016 elections remains fresh in the memories of many. Its outcome reflected the collective rejection of millions of ordinary Filipinos to the audacity of the campaign strategy of Mar Roxas that depicted him doing menial tasks despite his elitist public image,” dagdag ni Landicho.

(Sariwa pa sa marami ang resulta ng halalang 2016. Makikita na mariing pagtutol ito ng milyong Pilipino sa campaign strategy ni Mar Roxas na paggawa ng 'menial tasks' sa kabila ng elitistang imahe.)

Naniniwala ang SPARK na nangangailangan ng parehong pagtakwil sa mga kandidatong inendorso ng Malacañang.

Kinastigo rin ng grupo ang pagplasta ng mga kandidato sa kanilang mga mukha sa lahat ng lugar.

Binalaan ng SPARK ang mga kandidato na lalo silang matatalo sa bawat pagsakay nila sa itinerary ng presidente.

“Remember, the Duterte administration is not immaculate as they think it is. The president’s atrocious policies and pronouncements will reflect on the people’s ballots. Duterte’s endorsement is the kiss of death,” wika ng lider kabataan.

(Alalahanin natin, hindi banal ang administrasyong Duterte. Sasalaminin ng boto ng mamamayan ang mababagsik na polisiya ng presidente. Magiging halik ni kamatayan ang pag-endorso ni Duterte.)

Matagal nang humaharap sa batikos ang pangulo pagdating sa usapin ng karapatang pantao, extra-judicial killings at kabiguang tapusin ang kontraktwal na paggawa.

Inaaral na ng mga abogado nina Landicho kung paglabag sa Article 261 ng Omnibus Election Code ang mga inilabas na pahayag ng state-owned Philippine News Agency sa mga aktibidades ni Bong Go.

Sa tala ng grupo, 68 na beses nang nabanggit ng PNA ang pangalan ni Go simula nang magbitiw sa pwesto noong Oktubre.

Kahinahinala raw ito dahil mas marami pa ito kaysa sa mga artikulo sa kanya noong siya'y SAP pa.

“We encourage the youth to take a critical stance versus these Epals. We must not accept this hideosity as a norm. It is time to weaponize our idealism and challenge these shameless politicians and hold them accountable on election day,” panapos ng grupo.

(Hinihikayat namin ang kabataan na maging kritikal laban sa mga Epal. Hindi natin pwedeng tanggapin bilang karaniwan ang ganitong kasuklaman. Gawin nating armas ang ideyalismo at hamunin ang mga walang hiyang pulitiko at panagutin sila sa araw ng eleksyon.)

Inilabas ng SPARK ang pahayag tatlong linggo bago ang simula ng opisyal na panahon ng kampanya.

Alinsunod sa Resolution No. 10429, magsisimula ang campaign period sa ika-12 ng Pebrero hanggang ika-11 ng Mayo para sa senatorial at party-list candidates. 

2019 ELECTIONS

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

SAMAHAN NG PROGRESIBONG KABATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with