Pagbasura sa estafa vs Okada kinatigan ng DOJ
MANILA, Philippines — Kinatigan ng Department of Justice ang pagbasura sa kasong estafa laban kay casino magnate Kazuo Okada at ilang kasama nito kaugnay sa supply ng light-emitting diode (LED) strips para sa Okada Manila.
Sa kanyang 10 pahinang desisyon, sinabi ni Assistant State Prosecutor Alejandro Daguiso na nabigo ang Tiger Resort, Leisure and Entertainment Inc. (TRLEI) na patunayang may kutsabahan sa pagitan nina Okada, Kengo Takeda, Tetsuya Yokota at Aruze Philippines Manufacturing Inc.
Ayon sa DOJ, bumase lang ang reklamo ng TRLEI sa mga pahayag ni Chief Executive Adviser Dindo Espeleta na malapit sa isa’t-isa ang mga kinasuhan at hindi tinukoy ang anumang pag-uusap sa pagitan nila habang isinasagawa ang negosasyon para sa paggawad ng Supply Agreement.
Bukod pa rito, sinabi ng DOJ na depektibo ang reklamo ng TRLEI dahil nabigo itong iprisinta ang mga resibo bilang ebidensiya kabilang ang pag-deliver ng LED strips o sa bayad dito.
- Latest