^

Bansa

Passport data ligtas — DFA

James Relativo - Philstar.com
Passport data ligtas — DFA
Nagsimula ang isyu matapos sabihin kamakailan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na itinakas daw ng French contractor na Francois-Charles Oberthur Fiduciare ang mga datos ng passport holders, dahilan para ikatakot ng marami ang isang "data breach."
Facebook/Department of Foreign Affairs

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na ligtas ang datos ng mga passport holders na naunang ibinalitang naitakas.

'Yan ang siniguro ni DFA Assistant Secretary Elmer Cato sa National Privacy Commission sa pulong nila tungkol sa passport data ngayong araw.

"We were able to satisfy the commission with our assurances (Nagawa naming makumbinsi ang komisyon sa pamamagitan ng aming pagtitiyak)," ayon sa DFA Asec.

Matatandaang binigyan ng NPC ang DFA ng limang araw noong nakaraang linggo para tapusin ang imbestigasyon sa gusot sa mga pasaporte.

Nagsimula ang isyu matapos isiwalat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na itinakas daw ng French contractor na Francois-Charles Oberthur Fiduciare ang mga datos ng passport holders, dahilan para ikatakot ng marami ang isang "data breach."

Bagama't hindi pinangalanan ni Locsin ang Oberthur, sinabi ni dating DFA Sec. Perfecto Yasay Jr. na ito ang tinutukoy ng Foreign Affairs secretary.

Sa kanyang tweet Martes noong nakaraang linggo, kumabig naman si Locsin at sinabing hindi maaaring itakbo ang datos at ginawa lang "inaccessible."

"The DFA has been continually taking steps to improve the system (Patuloy na gumagawa ng hakbang ang DFA para paunlarin ang sistema)," dagdag ni DFA Asec. Cato kanina.

DATA BREACH

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

NATIONAL PRIVACY COMMISSION

PASSPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with