^

Bansa

BOL plebiscite ngayon

Gemma Garcia, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
BOL plebiscite ngayon

MANILA, Philippines — Nakataas na ang seguridad sa Mindanao kaugnay ng gagawing plebesito ng Bangsa­moro Organic Law (BOL) ngayong araw.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, nagpadala na sila ng karagdagang puwersa ng militar at pulisya sa mga highly contested areas tulad ng Cotabato City at Isabela, Basilan na magdamag na magbabantay, magpapatrul­ya at magmo-monitor sa banta mula sa iba’t ibang teroristang grupo tulad ng BIFF, ASG, Dawla Islamic at iba pa.

Tiwala rin ang kalihim na mananalo ang Yes sa BOL dahil ang buong Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay boboto habang ang maliliit na lugar lang tulad ng Jolo ang posibleng hindi bumoto. Samantala sa Pebrero 6 ang Lanao del Norte naman at North Cobato ang sasali sa plebesito.

Subalit sa sandaling mag-No ang dalawang siyudad nangangahulugan umano ito na mananatili sila sa ARMM.

Nilinaw naman ni Lorenzana, na kung hindi makakasama sa BOL ang North Cotabato at Lanao del Norte ay wala pa rin silang anumang nakikitang adverse development dahil nangako sa kanila ang liderato ng Moro Islamic Liberation Front na rerespetuhin anuman ang kalalabasan ng BOL plebiscite.

BANGSA­MORO ORGANIC LAW

DELFIN LORENZAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with