^

Bansa

‘Rice Tarrification Bill i-veto’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Rice Tarrification Bill i-veto’
Sinabi nina Bayan Muna Chairman Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na hindi solusyon sa krisis sa bigas ang Rice Tarrification bagkus ay magdudulot pa ito ng dagdag na problema.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hiniling ng grupong Bayan Muna kay Pangulong Duterte na i-veto ang Rice Tarrification Bill dahil magdudulot ito ng pagtaas ng presyo ng bigas kung papayagan ang sobra-sobrang pag-iimport ng imported na bigas.

Sinabi nina Bayan Muna Chairman Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na hindi solusyon sa krisis sa bigas ang Rice Tarrification bagkus ay magdudulot pa ito ng dagdag na problema.

Nakikiisa  sina Neri at Colmenares sa mga magsasaka at sa National Food Authority Employees Association (NFAEA) sa pagtutol sa panukala para maprotektahan ang lokal na ekonomiya sa sanda­ling dumagsa sa merkado ang bigas kapag naipasa ang panukala.

Nangangamba si Zarate na mas lalakas ang rice cartel kung babaha ng imported na bigas sa merkado.

Bukod dito matutulad din umano ang presyuhan ng bigas sa langis na parating tumataas dahil nakadepende ito sa international market.

Ang dapat umanong gawin ngayon ay palakasin pa ang NFA para mas maraming mabiling palay sa mga lokal na magsasaka sa mas mataas na halaga at sa ganitong paraan ay hindi mapipilitang magbenta ang mga magsasaka sa kartel ng bigas.

Paliwanag pa ng mga kongresista na papatayin ng nasabing batas ang local rice industry sa bansa.

RICE TARRIFICATION BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with