^

Bansa

ALAMIN: Mga lugar na pagdarausan ng Comelec mock elections

James Relativo - Philstar.com
ALAMIN: Mga lugar na pagdarausan ng Comelec mock elections
Press briefing ni Comelec Spokesperson James Jimenez tungkol sa mock elections sa Sabado, ika-19 ng 2019.
Twitter/COMELEC

MANILA, Philippines — Maglulunsad ng "mock elections" ang Commission on Elections (Comelec) para sa pambansa at lokal na halalan sa 2019.

Sa media advisory na inilabas ng Comelec, isinaad na isasagawa ito sa Sabado, ika-19 ng Enero 2019 mula alas-singko ng umaga hanggang ala-una ng hapon.

Aniya, gagawin ito bilang paghahanda sa magaganap na midterm polls sa ika-13 ng Mayo.

Magaganap ang mock elections sa mga sumusunod na lugar sa bansa:

National Capital Region

  • Quezon City (1st at 2nd district)
  • Manila (5th district)
  • Pasig (2nd district)
  • Taguig
  • Pateros
  • Valenzuela City (1st district)
  • Muntinlupa City

Luzon

  • Alaminos City, Pangasinan
  • Dagupan City, Pangasinan
  • Tuguegarao City, Cagayan
  • Aparri, Cagayan

Visayas

  • Cebu City (1st district), Cebu
  • Santander, Cebu
  • Albuquerque, Bohol
  • Cortes, Bohol

Mindanao

  • Dapitan City, Zamboanga Del Norte
  • Segio Osmena Sr., Zamboanga Del Norte
  • Digos City, Davao del Sur
  • Bansalan, Davao del Sur
  • General Santos City, South Cotabato
  • Surallah, South Cotabato
  • Jolo, Sulu
  • Tongkil, Sulu
  • Lamitan, Basilan
  • Sumisip, Basilan

Mga lugar sa ilalim ng kontrol ng Comelec

Inilabas na rin ng Comelec ang listahan ng mga lugar na ilalagay sa pangangasiwa ng Comelec.

Kasama sa mga nasa ilalim ng kontrol ng Comelec ay ang Daraga, Albay at Cotabato City.

Sa ilalim ng Resolution No. 10481, idinedeklara ang Comelec control sa mga lugar na:

  • May kasaysayan/kasalukuyang matinding labanan sa pagitan ng magkatunggaling partido
  • Dati nang naisailalim sa Comelec
  • Ginagamitan ng dahas ng private armed groups
  • May paggamit ng loose firearms ng mga 'di kwalipikadong indibwal
  • May seryosong banta mula sa New People's Army, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, Abu Sayaff, at "rouge elements" ng Moro National Liberation Front at/o Moro Islamic Liberation Front na maaaring magsagawa ng terorismo, panloloko, o iba pang iregularidad sa eleksyon, pananakot, at panggugulo sa malaya, mapayapa, at malinis na eleksyon

Sa mga lugar kung saan ito nakadeklara, maaaring i-reshuffle sibakin ng Comelec ang mga miyembro ng Philippine National Police, o sinumang opisyal o empleyado ng gobyerno na susuway sa election law.

Maaari ring i-require ng Comelec na tignan ng Department of the Interior and Local Government ang pagkakaroon ng mga armadong grupo na inorganisa para magsagawa ng terorismo, o mag-utos ng sinumang tao na bumoto o huwag bumoto sa kahit na sinong kandidato.

Puwede rin, sa pamamagitan ng DILG, na magtalaga ng sinumang elected local official bilang officer in charge sa mga lugar kung saan sinuspinde ang mga pulitikong nasasangkot sa paglabag ng election law.

Nauna nang iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mailagay sa Comelec control ang Daraga, Albay matapos mapatay si Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe na tatakbo sana sa pagka-alkalde sa Mayo 2019.

vuukle comment

2019 NATIONAL AND LOCAL ELECTIONS

COMELEC

MOCK ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with