^

Bansa

Digong bukas sa 'government takeover' ng Hanjin

Philstar.com
Digong bukas sa 'government takeover' ng Hanjin
Kinumpirma naman ng Palasyo ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
File photo

MANILA, Philippines — Bukas ang Pangulong Rodrigo Duterte na kunin na ng gobyerno ang pasilidad ng Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana noong Miyerkules.

Ibinunyag ni Lorenzana ang posisyon ni Digong sa plenary deliberations ng panukalang P183 bilyong pondo para sa Department of National Defense. Ito ang naging reaksyon ng kalihim matapos tawaging "golden oppurtunity" ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri para sa DND na patakbuhin ang mga shipbuilding facilities para mailigtas ang trabaho ng libu-libo.

Nanganganib kasing matanggal ang 3,000 manggagawa ng Hanjin matapos magdeklara ng pagkabangkarote.

Sinabi ni Lorenzana na interesado siya sa ideya ni Navy chief Vice Adm. Robert Empredrad na gobyerno na dapat ang magpatakbo ng shipyard para makagawa ng sariling mga barko ng Pilipinas.

“I brought this idea to the President last night and he is very receptive to the idea (Iminungkahi ko na 'yan sa Presidente kagabi at sinabi niyang bukas siya sa ideya),” sabi ni Lorenzana sa mga senador.

Noong ika-8 ng Enero, nagdeklara ng bankruptcy ang Hanjin, ang pinakamalaking foreign investor sa Subic Bay Freeport. May utang itong $430 milyon sa limang bangko sa bansa: Rizal Commercial Banking Corp., Land Bank of the Philippines, Metropolitan Bank and Trust Corp., Bank of the Philippine Islands at Banco de Oro Universal Bank.

Kinumpirma naman ng Palasyo ang posisyon ng pangulo.

"What I know is when I asked Secretary Lorenzana, parang ang sinabi lang ni Presidente, 'Tignan natin'...  ibig sabihin siguro pag-aaralan," sabi ni Panelo sa press briefing ng Malacañang Press Corps ngayong araw.

Sa kanyang sariling palagay, sinuportahan ni Panelo ang ideya ng takeover.

"Maganda rin siguro 'yon kung tayo na magpapatakbo noon, sa akin personally," sabi ng tagapagsalita. 

"If kaya ba nating patakbuhin, eh bakit hindi?... Hindi ba income 'yon? We are, I understand, the number four country in the world ranking in ship building. Eh di magandang kita 'yon. But it's just a proposal. Tignan natin," dagdag niya.

Ibinukas na rin ng DND kay Finance Secretary Carlos Dominguez III ang isyu, na nangangamba kung paano makaaahon ang mga ang lokal na bangko sa ipinuhunan sa Hanjin.

Suwestyon ni Zubiri, kumuha ng majority stake ang gobyerno habang minorya ang nasa pribado sa pagpapatakbo ng shipyard.

Iminungkahi ni Sen. Panfilo Lacson i-realign na lang ang bahagi ng diumano'y P75 bilyong insertion sa panukalang 2019 national budget para mabayaran ang mga utang ng Hanjin.

“What if the Philippine government will just take over Hanjin and bid out to possible partners, private entities? This will mean potential income for the government (Paano kung kunin na lang ng gobyerno ang Hanjin at i-bid out na lang sa mga posibleng partner, at pribadong entities? Mangangahulugan 'yan ng kita sa gobyerno),” sabi ni Lacson.

Sa kanyang proposal, sinabi ni Lacson na kikita ang Pilipinas habang magkakaroon ng bagong pasilidad ang Philippine Navy.  

Maaari rin daw na magkaroon ng konsultasyon ang ilang ahensya sa National Economic and Development Authority pagdating sa partnerships sa pagitan ng gobyerno at mga pribadong entity.

Bagama't bukas ang pangulo at ilan sa kanyang mga opisyal sa government takeover, naging maingat si Budget Secretary Benjamin Diokno at sinabing dapat pa itong pag-aralan.

“What if the Philippine government will just take over Hanjin and bid out to possible partners, private entities? This will mean potential income for the government (Ang papel ng gobyerno ay magbigay ng depensa, seguridad sa bayan, kapayapaan, at kaayusan. Hindi nito [gobyerno] gampanin na mandohan ang produksyon ng anumang gagamitin nila),” sabi ni Diokno.

“Can you imagine the military producing their own ships? That is a major decision, we have to discuss it (Na-iimagine niyo ba na gagawa ang militar ng sariling mga barko? Mayor na desisyon 'yan,” dagdag niya at sinabing gusto munang makita ang proposal.

GOVERNMENT TAKEOVER

HANJIN

PRESIDENT RODRIGO DUTERTE

SHIPYARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with