^

Bansa

Libo-libong ni-layoff ng Hanjin wala o kulang ang separation pay - grupo

James Relativo - Philstar.com
Libo-libong ni-layoff ng Hanjin wala o kulang ang separation pay - grupo

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng grupong Kilos Na Manggagawa ang pahayag ng kumpanyang Hanjin Heavy Industries and Construction-Philippines na 7,000 lamang ang tinanggal nilang manggagawa noong 2018.

Matatandaang nagdeklara ng bankruptcy ang kumpanya matapos mag-default sa $412 milyong utang sa limang bangko sa Pilipinas at mahigit kumulang $900-milyong utang sa South Korea. 

Itinuturing itong pinakamalaking "corporate default" sa kasaysayan ng Pilipinas. 

"[P]inalalabas na 7,000 lang ang tinanggal nitong nakaraang taon na sa katunayan [ay] sa higit 33,000 manggagawang regular ng Hanjin, 3,000 na lamang ang natitira," ayon sa Kilos Na Manggagawa sa pahayag na inilabas nila kahapon.

Nanganganib din na matanggal ang natitirang 3,000 manggagawa matapos maghain ng corporate rehabilitation ng Hanjin.

Babala ng grupo, naghahanda na raw kumuha ng mga manggagawang kontraktwal ang Hanjin sa darating na Marso 2019.

'Walang separation pay'

Dagdag ng grupo, hindi lahat ng manggagawa ay nakatanggap ng separation pay sa Incentivized Voluntary Retrenchment Program.

"Marami sa mga manggagawa ay tinerminate at sinampahan ng gawa-gawang kaso, inipit, binigyan ng 'hard time,' hinaras, at inintimidate para itulak na magresign o kumagat sa tanggalan," dagdag nila.

Ayon sa grupo, walang maipakitang katibayan ang kumpanya ng pagkabangkarote.

Halos lahat aniya ng mga mangggawang regular ay nagserbisyo ng humigit 10 taon at hindi nakatanggap ng buo sa kanilang dapat na matanggap.

Sabi pa ng grupo na "tinanggalan pa ng 15 day incentive, walang nakuhang 13th month pay, hindi ibinalik ang buwan-buwang kinakaltas sa kanilang sahod na 3%, at iba pang benepisyong dapat kasama sa kanilang separation pay."

DOLE: May separation pay, tulong sa paghanap ng trabaho

Sa isang press briefing, sinabi ni Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III na makakakuha ng separation pay ang mga tinanggal na manggagawa.

Siniguro raw ng Subic Shipbuilder Corporation, ang general contractor sa shipbuilding ng Hanjin, na makukuha nila ang katumbas ng isang buwang bayad kada taon ng kanilang trinabaho.

Tutulungan naman daw ng DOLE ang mga maaapektuhang manggagawa para magkatrabaho sa ilalim ng Build, Build, Build program ng pamahalaan.

“But we prefer that they be employed here in the country first as we need their skills in welding, steel shipbuilding, construction, and plant services for the Build, Build, Build,” 

Pinagbigyan naman noong Lunes ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 72 ang petition for rehabilitation na inihain ng Hanjin.

Nahihirapan na raw kasi ang kumpanya dahil sa "slowdown" sa global shipping industry.

Sa ilalim nito, bibigyan ng suportang pinansyal nang walang kolateral ang kumpanya para makapagpatuloy ng operasyon.

Ang Hanjin ang ikalimang pinakamalaking shipbuilder sa mundo at pinakamalking mamumuhunan sa Subic Freeport na may $2.3 bilyon.

BANKRUPTCY

HANJIN

KILOS NA MANGGAGAWA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with