5 Pinoy seamen missing sa Hawaii
MANILA, Philippines — Umaasa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makikita pa ang limang Pinoy seafarers na nawawala matapos abandonahin ang nasusunog nilang cargo vessel sa Hawaii dalawang linggo na ang nakalilipas.
Ang lima ay kabilang sa 21 Pinoy crew members ng MV Sincerity Ace na inabandona ang Panamanian flagged vessel matapos itong lamunin ng apoy noong bisperas ng Bagong Taon sa northwest ng Oahu.
Ayon sa DFA Office of Migrant Workers Affairs, nagpadala na ng tugboat ang manning ship agency para hanapin ang limang Pinoy crew.
Samantala, na-rescue ang 16 pang Pinoy ng US Coast Guard at iba pang dumaan na barko at karamihan sa kanila ay nakauwi na sa Pilipinas.
Ang Sincerity Ace ay may rutang Hawaii mula Japan na may kargang 3,500 mga bagong sasakyan.
- Latest