^

Bansa

Kaso laban sa NDFP consultant ibinasura

Philstar.com
Kaso laban sa NDFP consultant ibinasura
Protesta ng mga militanteng taga-suporta ni National Democratic Front of the Philippines peace consultant na si Rafael Baylosis.
Facebook/Free Rafael Baylosis

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Quezon City Trial Court Branch 100 ang kasong illegal possession of firearms laban sa peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines na si Rafael Baylosis at kasamang si Roque Guillermo Jr. dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Pinagbigyan ng korte ang demurrer to evidence ni Baylosis at ibinasura ang kasong inihain ng Philippine National Police sa kanya.

“This court, after considering the evidence, finds the evidence insufficient to support a finding of a conviction (Ang korteng ito, matapos suriin ang ebidensya, ay nakitang hindi ito sapat para sa hatol na conviction),” ayon sa utos.

Ang demurrer to evidence ay ang paghamon sa kasapatan ng ebidensya ng prosecutor.

Iniutos ng korte na pakawalan mula sa pagkakapiit ang NDFP consultant.

Matatandaang inaresto si Baylosis noong Enero 2018 ng Criminal Investigation and Detection Group sa Katipunan Road, Quezon City.

Bahagi siya ng NDFP Reciprocal Working Group on Political and Constitutional Reforms. Kilala ring organisador ng Kilusang Mayo Uno si Baylosis.

Siya ang unang consultant na muling inaresto matapos ikansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usaping pangkapayapaan sa Kaliwa. Noong 2017, idineklara rin bilang teroristang grupo ng gobyerno ang Communist Party of the Philippines at NPA.

Ayon kay Presiding Judge Editha Mina-Aguba, hindi nagtugma ang testimonyang ibinigay ng mga pulis laban sa akusado.

Sinabi kasi ni PO2 Dennis Cauilan at Chief Inspector Nino Lope Briones na magkasama sila habang kinakapkapan si Baylosis. Gayunpaman, kinontra ni Briones si Cauilan nang sabihin ng ikalawa na nakuha ang ebidensya sa suspek.

“The foregoing, patently, destroyed the credibility of the arresting officers; the same rendered their testimonies unreliable (Nasira ang kredibilidad ng mga humuhuling opisyal; dahil dito ay hindi mapagkakatiwalaan ang kanilang testimonya,” ayon sa court order.

Dagdag ng korte, iligal ang pagkakakuha sa ebidensya. "...it is not a product of search incidental to a lawful arrest or a stop and frisk search, or the plain view doctrine (hindi ito produkto ng pang-aarestong naaayon sa batas, o stop and frisk search, o plain view doctrine)."

"The arrest of accused being illegal, the subsequent search of the persons of accused and the purported confiscated items cannot be used as evidence against them (Dahil iligal ang nangyaring pag-aresto, ang pangangapkap at nakumpiskang mga gamit ay hindi maaaring gamiting ebidensya laban sa kanila,” dagdag ng korte.

Dati nang nanindigan ang human rights group na Karapatan na itinanim ang ebidensya sa dalawa.

Ayon sa Secretary General ng Karapatan na si Cristina Palabay noong 2018, hindi pinakitaan ng warrant sina Baylosis at Roque nang sila'y arestuhin.

“Outperforming the proponents of the tanim-bala modus operandi, the CIDG has perfected the art of tanim-bala and tanim-bomba, complete with a fictional tale to complete their false claims (Mas mahusay pa sa nagpakana ng tanim-bala modus operandi [sa NAIA], tila na-perfect na ng CIDG ang sining ng tanim-bala at tanim-bomba, kalakip ang gawa-gawang kwento para makumpleto ang mga paratang," ayon kay Palabay.

ANTI-ILLEGAL POSSESSION OF FIREARMS AND EXPLOSIVES

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RAFAEL BAYLOSIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with