Taas singil sa tubig dagdag pasanin
MANILA, Philippines — Dagdag pasanin umano ang pagtaas ng singil sa tubig ng mga water concessionaires, ayon kay dating Political Adviser Francis N. Tolentino
Inaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) noong nakaraang taon ang pagtataas ng singil sa tubig na Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Co. Inc.
Magdaragdag ng 0.64 sentimos kada metro kubiko ang Manila Water habang P1.48 kada metro kubiko ang Maynilad.
Nangangahulugan ito ng humigit kumulang tatlo hanggang limang pisong dagdag sa bayarin ng ating mga kababayan sa tubig kada buwan.
Ayon kay Tolentino, ang Local Water Utilities Administration (LWUA) at mga lokal na water districts ay may maitutulong din upang mapanatiling “stable” ang presyo ng tubig sa mga lalawigan.
Habang ang usapin sa pagtaas ng singil sa tubig ay patuloy pang pinag-aaralan at hinahanapan ng remedyong legal, ibayong pagtitipid sa paggamit ng tubig ang dapat na gawin ng ating mga kababayan upang mapanatiling mababa ang kanilang konsumo sa tubig, sabi pa ni Tolentino.
- Latest