^

Bansa

Alamin: Ruta ng Traslacion 2019

James Relativo - Philstar.com
Alamin: Ruta ng Traslacion 2019
Nakakalat naman sa ruta ng traslacion ang 14 na prayer stations kung saan mayroong mga life-size na replica ng Itim na Nazareno.
AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines — Magiging kaiba sa ruta noong 2018 ang dadaanan ng prusisyon ng Itim na Nazareno bukas.

Magsisimula muli ito sa Quirino Grandstand at magtatapos sa Quiapo Church.

Nakakalat naman sa ruta ng traslacion ang 14 na prayer stations kung saan mayroong mga life-size na replica ng Itim na Nazareno.

Narito ang daraanang mga kalye para bukas ayon sa Minor Basilica of the Black Nazarene:

  • Quirino Grandstand (Rizal Park)
  • Kaliwa sa Katigbak Drive at tatagos sa Padre Burgos St.
  • Kaliwa sa Taft Avenue at tatagos sa Jones Bridge
  • Kanan sa Dasmarinas St.
  • Kanan sa Plaza Sta. Cruz St.
  • Kaliwa sa Carlos Palanca St. at tatagos sa ilalim ng Quezon Bridge
  • Kaliwa sa Quezon Blvd.
  • Kanan sa Arlegui St.
  • Kanan sa Fraternal St.
  • Kanan sa Vergara St.
  • Kaliwa sa Duque de Alba St.
  • Kaliwa sa Castillejos St.
  • Kaliwa sa Farnecio St.
  • Kanan sa Arlegui St.
  • Kaliwa sa Nepomuceno St.
  • Kaliwa sa Concepcion Aguila St.
  • Kanan sa Carcer St.
  • Kanan sa Hidalgo at tatagos sa Plaza del Carmen
  • Kaliwa sa Bilibid Viejo at tatagos sa Gil Puyat
  • Kaliwa sa J.P. de Guzman St.
  • Kanan sa Hidalgo St.
  • Kaliwa sa Barbosa St. (Bautista St.)
  • Kanan sa Arlegui St.
  • Kaliwa sa Quezon Blvd.
  • Kanan sa Palanca St. at tatagos sa ilalim ng Quezon Bridge
  • Kanan sa Villalobos at tatagos sa Plaza Miranda
  • Diretso patungong Quiapo Church

Taunang ginaganap ang traslacion tuwing ika-9 ng Enero para gunitain ang paglilipat ng imahe ng Itim na Nazareno mula Intramuros, Maynila patungong Quiapo noong ika-9 ng Enero, taong 1787. Kaugnay nito, inaasahan ang pagdagsa ng limang milyong deboto sa Miyerkules. 

Sinuspinde na rin ng Maynila at Lungsod ng Quezon ang mga klase sa eskwelahan para bukas.

Nakiusap naman ang kapulisan na iwasan ang pagdadala ng gadgets at mamahaling alahas upang maiwasang maging target ng pagnanakaw.

Ayon naman kay National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar, pagbabawalan ang mga nagtitinda sa Quirino Grandstand, ruta ng traslacion, at Quiapo Church.

Inabisuhan din ang mga deboto na huwag magsuot ng sumbrero o anumang bagay na tatakip sa kanilang mga mukha para madaling matukoy ang sinumang gagawa ng masama. 

Ipinatutupad na rin ang liquor ban sa buong Manila simula noong Lunes.

Related video:

vuukle comment

BLACK NAZARENE

PAHALIK

PRAYER STATIONS

ROUTE

TRASLACION 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with