^

Bansa

3 barkong pandigma ng Russia nasa 'Pinas

Philstar.com
3 barkong pandigma ng Russia nasa 'Pinas
Kasama rito ang guard missile cruiser na Admiral Varyag, antisubmarine ship na Admiral Panteleev, at sea tanker na Boris Botuma.
The Star/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dumaong na sa Port of Manila ang Russian Pacific Fleet Task Force para sa five-day unofficial visit kahapon.

Kasama rito ang guard missile cruiser na Admiral Varyag, antisubmarine ship na Admiral Panteleev, at sea tanker na Boris Botuma.

Ayon kay Commander Jonathan Zata, director ng Philippine Naval Public Affairs Office, layunin nitong palakasin ang relasyon ng dalawang navy at lalong magpapaibayo sa kapayapaan at maritime cooperation ng dalawang bansa.

Kaugnay nito, magsasagawa ng goodwill games, boodle fight, at shipboard tour sa Maynila.

Ito ang unang pagbisita ng Russian Navy sa Maynila ngayong taon at ika-pito na mula 2012. Ito rin ang unang beses ng Admirl Panteleev at ikalawa ng Admiral Varyag at Boris Botuma, na parehong bumisita sa bansa noong nakaraang Mayo.

Iginiit ng Philippine Navy na makakaambag ito sa pagpapaunlad ng bilateral navy collaboration ng Pilipinas at Russia para masiguro ang kapayapaan at stability sa Asya-Pasipiko.

Sinabi ni Russian Rear Admiral Eduard Mikhailov na ilan taon nang nangyayari ang goodwill visits at nagiging tradisyon na. 

“There is a certain degree of symbolism to the fact that the New Year 2019 starts with current visit of the Russian Pacific Fleet Detachment to Manila. For each person these days bring an opportunity to come up with new plans and intentions, to hope for prosperity, happiness and wellbeing,” ayon sa isang pahayag ng Russian embassy.

Mabibigyan din daw ng pagbista ng panahon ang kanilang pwersa para makapag-imbak ng panibagong suplay at para makapagpahinga.

Tulad ng mga nakaraang pagbisita, maglalagay ng wreath ang mga Ruso sa Rizal Moument at magpapatawag ng courtesy call sa Philippine Navy Vice Adminal Robert Empedad, ayon kay Zata. Magtatapos naman ito sa Biyernes.

PHILIPPINE NAVY

PHILIPPINE-RUSSIA RELATIONS

RUSSIA

WAR SHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with