Oil firms na nagpataw ng excise tax sa 2018 inventory posibleng ipasara
MANILA, Philippines — Puwedeng ipasara ang mga oil companies na agad magpapatupad ng 2nd tranch ng fuel excise tax sa kanilang mga lumang stock.
Ayon kay Finance Asec. Tony Lambino, puwede lamang ipatupad ng mga oil companies ang ikalawang bugso ng excise tax kung ubos na ang kanilang 2018 inventories.
“Kung talagang hindi ka sumunod sa batas, may administrative sanctions katulad ng pagpapasara ng negosyo, pagbawi po du’n sa license,” wika pa ni Lambino.
“Pwede rin pong criminal ‘yung liabilities, katulad ng sa estafa. Kaya sana po inaasahan talaga natin na lahat naman po ay susunod,” dagdag ng DOF official.
Aniya, kaya mahigpit na binabantayan ng gobyerno ang mga gas stations dahil may ilang reklamo sa mga ito.
- Latest