^

Bansa

Baldo nilaglag ng sariling partido

Ludy Bermudo, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Baldo nilaglag ng sariling partido
“Please be informed that Lakas-CMD is revoking the CONA issued to Mr. Baldo. Hence, Mayor Baldo is no longer the official candidate of Lakas-CMD for the position of Mayor of Daraga,” nakasaad sa liham ni Corpin sa Comelec Law Department.
File

MANILA, Philippines — Binawi na ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) ang kanilang party nomination kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Ang Lakas-CMD ay isang major political party, na kaalyado ng administrasyong Duterte.

Ito’y kasunod na rin ng pagtukoy ng pulisya kay Baldo bilang “mastermind” sa pagpaslang kina Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe at police escort nitong si SPO2 Orlando Diaz.

Sa kanyang liham sa Comelec Law Department na may petsang Enero 3, sinabi ni Bautista “Butch” Corpin Jr., executive director ng Lakas-CMD, na binabawi na ng partido ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) na kanilang ibinigay kay Baldo, na naglalayong tumakbo bilang alkalde sa Daraga sa darating na Mayo.

“Please be informed that Lakas-CMD is revoking the CONA issued to Mr. Baldo. Hence, Mayor Baldo is no longer the official candidate of Lakas-CMD for the position of Mayor of Daraga,” nakasaad sa liham ni Corpin sa Comelec Law Department.

Ang nasabing liham ay ipinadala rin sa Provincial Election Supervisor at Municipal Election Officer ng Albay at Daraga.

Nangako naman ang Lakas-CMD na makiki­pagtulungan para ma­ging malinis, maayos at mapayapa ang May 13, 2019 elections kahit na inaasahan na magiging mainitan ang laban ng mga kandidato.

Related video:

BATOCABE SLAY

CARLWYN BALDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with