^

Bansa

2 ‘bomber’ sa Cotabato blast tukoy na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 �bomber� sa Cotabato blast tukoy na
Sa report ni Police Regional Office (PRO) 12 Director P/Chief Supt. Eliseo Tam Rasco, nakita ang dalawang suspek sa nirebyung CCTV ng nasabing mall.

MANILA, Philippines — Natukoy na ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa pambobomba sa South Seas mall sa Cotabato City na ikinasawi ng dalawa katao noong bisperas ng Bagong Taon.

Sa report ni Police Regional Office (PRO) 12 Director P/Chief Supt. Eliseo Tam Rasco, nakita ang dalawang suspek sa nirebyung CCTV ng nasabing mall.

Sa kuha ng CCTV, kitang-kita ang mga suspek na nag-aabutan ng isang bagay at kinalaunan ay isiniksik ito ng isa sa gilid ng lotto outlet sa 2nd floor ng mall at saka umalis. 

“The photos were extracted from the CCTV footages inside and outside the mall and along the road,” anang opisyal.

Ayon naman kay Supt Oliver Modias, hepe ng Special Investigation Task Group Southseas, na ang nasabing container ay nakita ng saleslady na ipinakita sa isa nitong kasamahan na tumawag naman sa himpilan ng pulisya.

Nang magresponde ang mga tauhan ng Explosives Ordnance Team, nadiskubre na isang improvised explosive device ang laman ng package.

Nakuhanan ito ng CCTV mahigit isang oras makalipas ang pagsabog ng unang IED sa labas ng mall.

Tinatayang nasa 20-30 years old at 50-60 years old ang mga edad ng dalawang suspek. 

Una nang tinukoy ng PNP at AFP na alinman sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiyah na pawang mga Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nasa likod ng pambobomba.

Samantala, nag-alok ang pamahalaang lungsod ng Cotabato ng P500,000 reward para sa sinumang makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon sa pinagtataguan ng naturang mga suspected bombers. (Rhoderick Beñez)

vuukle comment

SOUTH SEAS MALL BOMBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with