Permanente, matatag na evacuation inutos ni Digong
MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Pangulong Duterte na panahon na upang magkaroon ng mga sementado at matatag na evacuation centers upang hindi na rin nagagamit ang mga eskuwelahan at naapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isang briefing sa Camarines Sur matapos ang aerial inspection sa pinsalang idinulot ng bagyong Usman.
Sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na kabilang sa pangmatagalang solusyon na gagawin ng gobyerno ay ang pagtatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga regional evacuation centers lalo na sa mga lugar na binibisita ng nasa 15 hanggang 20 bagyo taun-taon.
Kaya sinabi ng Pangulo na kailangan na talaga ng mga permanenteng evacuation centers para hindi nagagambala ang pag-aaral ng mga nasa public schools.
- Latest