^

Bansa

Klase sa Camsur suspendido

Philstar.com
Klase sa Camsur suspendido
Relief operations sa San Francisco, Iriga.
Facebook/Governor Migz Villafuerte

MANILA, Philippines — Idineklara na ang kanselasyon ng mga klase sa buong probinsya ng Camarines Sur mula bukas, ika-3 ng Enero, hanggang sa Lunes, ika-7 ng Enero.

Sa Memorandum No. 5 na nilagdaan ni Camarines Sur Gov. Miguel Luis Villafuerte, sinabing ipinatupad ang suspensyon bunsod ng pinsalang idinulot ng Tropical Depression "Usman."

"Para masiguro ang kaligtasan ng lahat, lalo na ng mga bata, at para mabigya ng oras ang mga pamilya na makaahon sa nakaraang bagyo, idinedeklara ng Provincial Government ang province-wide suspendion ng mga klase sa lahat ng antas," ayon sa Facebook post ng gobernador na nasa wikang Inggles.

Kasalukuyang nasa state of calamity ang Camarines Sur.

Humigit kumulang nasa 75 ang nasawi sa sama ng panahon na nagdulot ng mga mga pagbaha at pagguho ng lupa. Marami pa rin ang nawawala hanggang sa ngayon.

Tinatayang nasa P200 milyon ang idinulot na pinsala sa agrikultura ng bagyong Usman sa mga probinsya ng Quezon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, at Samar.

Sumugod naman si Vice President Leni Robredo ngayong araw sa Sitio Igot, Sagñay, Camarines Sur na malubhang tinamaan ng mga landslide.

"Nakakalungkot isipin ang mga buhay at mga tahanang tinangay ng insidenteng ito," ayon sa pangalawang pangulo.

"Umaasa tayo na pagtutulungan ng iba't ibang sangay ng pamahalaan na mas mapabuti ang kahandaan at implementasyon ng disaster management sa ating bansa, at magkaroon ng mas mabuting pag-intindi ang publiko sa mga panganib gaya ng pagtira sa danger zones."

Nagpasalamat din si Robredo sa mga nagsasagawa ng search and retrieval operations sa kabila ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

CAMARINES SUR

CLASS SUSPENSION

GOV. MIGZ VILLAFUERTE

USMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with