^

Bansa

Tsina itutulak ang pagsasanib sa Taiwan

James Relativo - Philstar.com
Tsina itutulak ang pagsasanib sa Taiwan
Sinabi ito ni Xi Jinping 40 taon matapos manawagan ang Beijing na magsama ang dalawa para matapos ang gulo.
AFP/Mark Schiefelbein /POOL

MANILA, Philippines — Posibleng gumamit ng dahas ang Tsina para muling pag-isahin ang Taiwan sa mainland, ayon sa talumpati ni Chinese president Xi Jinping ngayong Miyerkules. 

Sinabi ito ni Xi 40 taon matapos manawagan ang Beijing na magsama ang dalawa para matapos ang gulo.

"We make no promise to give up the use of military force and reserve the option of taking all necessary means (Hindi kami nangangakong tatalikuran ang paggamit ng pwersa militar at gagawin namin ang lahat ng paraan)," ayon sa kanya.

Babala ng Tsina, gagawin nila ito kung pipigilan ng Taiwan at iba pang pwersa ang pagsasanib.

"China must and will be united... which is an inevitable requirement for the great rejuvenation of the Chinese people in the new era (Dapat magkaisa ang Tsina at mangyayari 'yan...  kinakailangan ito para sa pagpapanibagong lakas ng mga Tsino sa modernong panahon)," dagdag ni Xi.

Ugat ng paghihiwalay

Bagama't iba ang namumuno sa Taiwan, kinikilala pa rin ng Tsina ang naturang bansa bilang bahagi ng kanilang teritoryo mula nang matapos ang gera sibil ng 1949 sa pagitan ng gobyernong Koumintang (KMT) ni Chiang Kai-shek at Communist Party of China (CPC) ni Mao Ze Dong.

Nang lumaon ay nakuha nina Mao ang kontrol sa mainland at itinatag ang People's Republic of China (PRC) noong 1949 na nagresulta sa pag-atras ng pwersang KMT patungong Taiwan.

Nangyari ang digmaan dahil sa hidwaan sa paniniwala. Gayunpaman, nagkaroon ng alyansa ang KMT at CPC noong sinakop ng mga Hapon ang Tsina.

Tinitingnan ng Taiwan ang sarili bilang nakapag-iisang estado — may sariling pera at gobyerno — ngunit hindi pa ito nagdedeklara ng independence mula sa mainland.

'One country, two systems'

Ipinanukala ng PRC na magpatupad ng polisiyang "one country, two systems" sa pagitan ng dalawang panig kagaya ng ipinatutupad sa Hongkong para 'di maging problema ang pagkakaiba sa prinsipyo.

May sariling sistema ng paggogobyerno ang Hong Kong hiwalay sa Beijing mula nang ibalik ito ng Britain sa Tsina taong 1997.

Pinalagan naman ng ilan ang plano.

"They (China) are gobbling up Hong Kong, not just politically but culturally and economically too (Nilalamon na ng Tsina ang Hong Kong, hindi lang sa pulitika pero pati sa kultura at ekonomiya)," ayon kay Claudia Mo, mambabatas mula sa Kong Kong.

Aniya, hindi raw ito dapat ipatupad sa Taiwan dahil naapektohan ng polisiya ang kalayaan ng Hong Kong at Macau.

"It's so obvious that they're trying to assimilate Hong Kong into wider mainland China in every way. How would any Taiwanese think that's going to work for them (Halata namang pinapasok na ng mainland China ang Hong Kong. Paano naman maniniwala ang mga Taiwanese na gagana 'yan sa kanila)?" dagdag ni Mo.

Malapit ang Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno ng Tsina sa kabila ng sariling agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea. 

Hindi pa naman tiyak kung susuportahan ni Digong si Xi sa naturang pahayag.

HONG KONG

MACAU

MAINLAND CHINA

MILITARY FORCE

REUNIFICATION

TAIWAN

XI JINPING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with