^

Bansa

VAT exemption sa gamot itinulak ni Imee

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na rebisahin ang Cheaper Medicine Act at huwag nang patawan ng Va­lue Added Tax ang mga gamot.

“Para sa darating na taon, nais kong tuluyan ng maalis ang VAT sa mga gamot. Kung matatanggal ang VAT sa gamot, malaki ang ibababa ng presyo ng mga gamot at higit na maraming mga kababayan nating mahihirap ang makakabili nito,” wika ni Marcos.

Aniya, ang Cheaper Medicines Act, o Universally Accessible Cheaper at Quality Medicines Act of 2008, ay nabigo na maging abot-kaya ang presyo ng gamot dahil mas pinaboran nito ang mga pharmaceutical companies.

“We need to revise the Cheaper Medicines Act and make it more people-friendly as originally intended. Ang daming nag-lobby na iba’t ibang pharmaceutical companies at mga kapanalig nilang komersyante nung ginagawa ang batas kaya hindi nito nakamit ang tunay niyang vision - ang ibaba sa abot kaya ang presyo ng mga gamot para mas maraming mahirap na Pilipino ang makabili nito,” dagdag pa ni Marcos.

“Walang Pilipino ang dapat mamatay sa sakit dahil hindi abot kaya ang presyo ng gamot,” sabi pa ng gobernador.

Hindi anya sapat ang VAT exemption sa mga gamot para sa diabetes, cholesterol at hypertension. Kailangan lahat ng gamot ay maging VAT exempt na para bumaba ang presyo nila.

VAT EXEMPTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with