Bagong Taon bagong pag-asa – Obispo
MANILA, Philippines — Ang Bagong Taon ay palaging may hatid na pag-asa sa bawat isa.
Ito ang pagninilay ni Diocese of Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Communications, kaugnay sa pagtatapos ng taong 2018 at pagsisimula ng panibagong taong 2019.
Ayon sa Obispo, tanging Diyos lamang ang nakakaalam sa anumang mangyayari sa bawat araw kaya marapat lamang na patuloy na manalig at manampalataya sa kaloob na biyaya ng Panginoon para sa bawat isa.
Inihayag ni Bishop Vergara na, bagaman walang katiyakan ang mga maaring maganap sa pagsisimula ng panibagong taon, hindi dapat na mawalan ng pag-asa ang sinuman sa atin na biyaya ng Panginoon.
Samantala kasabay naman ng paggunita sa unang araw ng Bagong Taon sa January 1, 2019 ay Dakilang Kapistahan ni Maria Ina ng Diyos.
Bukod dito, malaking bilang ng mga parokya mula sa 86 na diyosesis sa buong bansa ang may titulo ng Mahal na Birhen habang mayroon ring mahigit sa 40 imahen ng Mahal na Birhen na ginawaran ng ‘Canonical Coronation’ sa buong bansa.
- Latest