^

Bansa

45 na patay kay ‘Usman’

Jorge Hallare, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
45 na patay kay ‘Usman’
Lagpas tao ang baha sa bayan ng Lope de Vega sa Catarman, Northern Samar na kabilang sa naapektuhan ng bagyong Usman.
Cui Omar

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 45 ka­tao ang nasawi habang marami pa ang nawawala dahil sa landslide at pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Bicol Region sanhi nang malalakas na pagbuhos ng ulan dala ng bagyong Usman.

Alas-5 ng hapon kahapon ay nakapagtala ang Bicol Region police ng 16 nasawi sa Camarines Sur, 13 sa Albay, 7 sa Masbate, 6 sa Sorsogon at 3 sa Camarines Norte.

Samantala 11 ang nawawala kabilang ang pitong biktima ng landslide sa Tiwi, Albay noong Sabado.

Ayon kay Chief Inspector Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PRO-5 (Bicol), 15 bangkay ang nahukay nila kahapon kabilang ang limang magkakamag-anak na natabunan nang gumuhong lupa habang natutulog sa kanilang bahay sa Zone-6, Brgy. San Vicente sa bayan ng Baao, Camarines Sur dakong alas-12 ng hatinggabi noong Miyerkules.

Nakilala ang mga biktima na sina Babylyn de Lima, 29; Jielyn de Lima,14; Jieben de Lima,12; Benjie de Lima,10 at Vince Jersey de Lima, 1 anyos.

Patuloy ang search and retrieval operations para mahanap ang mga nawawala.

Nagsimulang manalasa ang nasabing bagyo sa ilang bahagi ng Regions 5 at 8 noong Sabado ng umaga matapos mag-landfall sa Borongan, Eastern Samar, na nagdulot ng mga pagbaha, landslides at pagkaputol ng mga puno kaya nawalan din ng kuryente sa mga lugar doon.

Sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may 1,274 pamilya o 4,906 ang naapektuhan dahil sa bagyong Usman na nanalasa sa Regions V at VIII.

May 78 lugar din ang iniulat na baha sa Region 5 at 8 habang 59 mga lugar ang nakakaranas ng kawalan ng kuryente sa Regions IV-A at IV-B.

May kabuuan namang 3,678 pasahero, 356 rolling cargoes, 28 barko at 7 motorbancas ang na-stranded at 36 domestic flights ang nakansela.

TYPHOON USMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with