'Usman' halos 'di pa rin kumikilos
MANILA, Philippines — Tinawag na "almost stationary" at "erratic" ng PAGASA ang Tropical Depression Usman sa inilabas na 5 p.m. weather bulletin.
Ito rin ang nai-ulat na pattern ng paggalaw ng bagyo kaninang 2 p.m.
Namataan ang mata ng bagyo 285 kilometro silagan ng Guian, Eastern Samar kaninang 5:00 p.m. Nagtataglay ito ng lakas na hanggang 55 kilometers per hour malapit sa gitna na may pabugso-bugsong hangin na 65kph.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Luzon
- Northern Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Groups of Islands
- southern Quezon
- Marinduque
- Romblon
- Catanduanes
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
- Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands
- southern Occidental Mindoro
- southern Oriental Mindoro
Visayas
- Eastern Samar
- Northern Samar
- Samar
- Biliran
- Leyte
- Southern Leyte
- Northern Cebu kasama ang Camotes Islands
- Aklan
- Capiz
- Iloilo
- Guimaras
- Antique
- Northern Negros Occidental
Mindanao
- Dinagat Islands
Magpapatuloy ang mga katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Kabikulan, Eastern Visayas at Quezon, habang makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, MIMAROPA, Aurora, at natitirang bahagi ng CALABARZON at Visayas ngayong gabi.
Tinatayang tatama ang bagyo sa Eastern Samar mamayang gabi.
- Latest