^

Bansa

'Dagdag 20M reward para makulong ang killer ni Batocabe'

James Relativo - Philstar.com
'Dagdag 20M reward para makulong ang killer ni Batocabe'
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tataasan niya ang gantimpala para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga pumatay kay Rep. Rodel Batocabe (Ako Bicol party-list).
The STAR/KJ Rosales/File

MANILA, Philippines — Itinaas ng Pangulong Rodrigo Duterte ang gantimpala para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga pumatay kay Rep. Rodel Batocabe (Ako Bicol party-list).

Sinabi niya ito matapos bisitahin ang burol ng pinatay na mambabatas noong Miyerkules ng gabi.

“Itataas ko na. Dadagdagan ko ng 20 to 50 million,” wika ng pangulo sa Ingles.

Matatandaang nag-alok ng P30 milyon ang Ako Bicol party-list at ilang pulitiko sa mga makapagtuturo ng salarin sa pagpatay kay Batocabe at kanyang police escort na si SPO1 Orlando Diaz.

Ayon sa pangulo, meron nang mga tinitingnang suspek ang Philippine National Police ngunit hindi nagbigay ng mga pangalan.

"Binabalaan ko ang mga kandidato na 'prone' pumatay ng kalaban sa pulitika para lang manalo [sa eleksyon]. Lalo na yung mga yumayaman kapag nakaupo na," sabi ni Digong sa halong Filipino at Ingles. 

Tatakbo sanang alkalde ng Daraga si Batocabe.

Itinanggi naman ng PNP na pangalanan ang isang mayor na ikinakabit sa kaso hangga't wala pang sapat na ebidensya.

Nauna nang nagpahiwatig ang asawa ni Batocabe na may kinalaman ang pulitika sa pagpaslang.

Itinanggi naman ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang mga haka-hakang may kinalaman siya sa krimen.

“If you are listening now, if it was not you, just ignore it. But if you are the one who did it, killed your opponent, p***** i** mo pupuntahan kita dito. I will personally confront you,” sabi ni Digong.

Inirekomenda na rin ng presidente na mailagay ang Daraga sa ilalim ng pangangalaga ng Commission on Elections.

Sa isang nakaraang resolution ng Comelec, maaaring isailam sa kanilang kontrol ang anumang lugar kung may matinding girian sa pagitan ng mga kandidato, paksyon o partido.

Kung mangyayari ito, pangangasiwaan nila ang lahat ng lokal na opisyal at kapulisan, maging ang militar na nakatalaga sa kanila.

AKO BICOL PARTYLIST

BATOCABE

REWARD

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with