^

Bansa

Bagyong Usman nag-ibayo

Rosette Adel - Pilipino Star Ngayon
Bagyong Usman nag-ibayo
Ito ang nabatid hanggang kahapon ng umaga kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration weather specialist Aldczar Aurelio na naggiit na ang tropical depression ay inaasahang lalong mag-iibayo bago ito bumuhos sa Eastern Samar sa Biyernes.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Bahagyang nag-ibayo ang bagyong si Usman habang patuloy itong kumikilos nang pakanluran-hilagang kanluran.

Ito ang nabatid hanggang kahapon ng umaga kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration weather specialist Aldczar Aurelio na naggiit na ang tropical depression ay inaasahang lalong mag-iibayo bago ito bumuhos sa Eastern Samar sa Biyernes.

 “Inaasahan nating lalakas pa ang bagyong Usman bago mag-landfall sa Eastern Samar sa Friday,” sabi ni Aurelio sa isang panayam sa dzBB.

Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na sa kasalukuyan ay walang direktong epekto si “Usman” sa alinmang bahagi ng bansa. Habang isinusulat ito ay walang itinataas na tropical cyclone warning signal.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na maaaring itaas ang Signal No. 1 sa Eastern Visayas at northern Caraga kagabi o nga­yong Huwebes ng umaga.

Ayon pa sa PAGASA, inaasahang ngayong Huwebes ay magiging maulan (mula katamtaman hanggang malakas) sa Bicol, Eastern Visayas, Surigao del Norte at Dinagat Islands.

ALDCZAR AURELIO

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with