Buong pondo sa TES ilabas
MANILA, Philippines — Habang ikinatuwa niya ang paglabas ng Commission on Higher Education (CHED) ng P4.8 bilyon pondo para sa Tertiary Education Subsidy (TES), iginiit ni Senador Bam Aquino na dapat ipamahagi sa lalong madaling panahhon ang kabuuan ng budget ng programa sa mga benepisyaryo nito sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Inilabas kamakailan ng CHED ang P4.8 bilyon para sa TES program sa ilalim ng batas sa libreng kolehiyo para sa mga estudyante sa 112 state universities and colleges (SUCs) at 78 local universities and colleges (LUCs).
Ngunit iginiit ni Aquino na dapat agad ding ilabas ang natitirang P11.2 billion pondo na nakalaan sa TES sa 2018 budget para mapakinabangan ng mga estudyante sa ilalim ng nasabing programa, kasama na rito ang mga scholarship para sa mga estudyante ng private Higher Education Institutions (HEIs),” dagdag ni Sen. Bam.
- Latest