Agri ‘focus’ ng government sa 2019
MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng Department of Finance ang maagang plano ng gobyerno para sa sektor ng agrikultura pagpasok ng 2019.
Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez, sesentro ang pamahalaan sa pagtatanim at lokal na produksyon sa susunod na taon bilang tugon sa mga nakaraang epekto ng inflation.
“We will focus on agriculture in the coming years,” wika ni Dominguez.
Aminado ang kalihim na may mga kulang sa pangangailangan ng agriculture sector nitong taon kaya babawi umano ang pamahalaan dito.
“We know that the major reason for the inflation this year has been the logistics problems we have had in agriculture as well as production problems,” sabi ng finance chief.
Kung maaalala, P17-bilyong halaga ng agricultural products ang nalugi sa bansa nitong 2018 dahil sa sunud-sunod na kalamidad, ayon sa NEDA.
- Latest