^

Bansa

Digong nag-ala Santa sa cancer patients

Philstar.com
Digong nag-ala Santa sa cancer patients
Taun-taong ginagawa ng pangulo ang pagbisita sa tuwing sasapit ang Pasko mula nang siya'y alkalde pa ng Davao.
Facebook/Bong Go

MANILA, Philippines — Namigay ng mga regalo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pasyente ng Southern Philippines Medical Center na humaharap sa sakit na cancer sa Davao noong Linggo.

Taun-taong ginagawa ng Pangulo ang pagbisita sa tuwing sasapit ang Pasko mula nang siya'y alkalde pa ng Davao.

Inalayan naman ng kantang "Perfect" ni Ed Sheeran ng batang may cancer si Digong sa kanyang pagdaan sa Pediatric Section ng SPMC.

Ninais pa ng isang batang lalaki na ulitin ang pag-awit sa pag-aalalang baka hindi niya nakanta ito nang maayos.

“He wanted the time to be private, and personal. I was instructed to keep the number of people down because he wanted the time only for the children,” 'yan ang sabi ng pediatric oncologist ng SPMC na si Dr. Mae Dolendo.

Ayon sa ilang sources, siniguro ng presidente na wala siyang ibang gagawin para makasama ang mahigit 30 batang may sakit.

“The president talked to each of the children. He listened to their every story that they eagerly told him. And the president was a gracious listener as he communicated with them by also showing them (how to) do something about their problems,” sabi ng SPMC chief na si Leopoldo Vega.

Binigyan din ng pangulo ng tulong pinansyal ang mga magulang at nagbabantay sa  ospital nang may magastos ngayong Pasko.

CANCER PATIENTS

CHRISTMAS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with