Andaya tumiklop sa Road Board issue
MANILA, Philippines — Tila tumiklop si House Majority Leader Rolando Andaya, Jr. at nangako na tatalima sila sa posisyon ni Pangulong Duterte na ipabuwag ang Road Board.
Ang paglambot ng House official sa isyu ay kasunod ng pahayag ng Pangulo na higit na sinasang-ayunan nito ang posisyon ng Senado para i-abolish ang Road Board na ginagamit ng ilang corrupt na opisyal.
“The President has spoken. We heard his message to the House. We will act based on his guidance,” pahayag ni Andaya.
“If the President wants an abolition of the road board, let it be real abolition. No residues,” wika niya.
Ayon kay Andaya, bilang institusyon, sususugan na nila ang legislative agenda na nais ng Presidente para sa ikabubuti ng pamahalaan.
Matatandaang naging matindi ang salungatan ng Senado at Kamara dahil sa posisyon dati ng dalawang kapulungan na buwagin talaga ang Road Board, pero nang magpalit ito ng liderato, binawi nila ang suporta sa abolition
Nagbanggaan pa sa media interviews ang mga pahayag ng mga opisyal, partikular na ang mga pahayag nina Andaya at maging ni Rep. Danilo Suarez laban sa mga senador.
- Latest