^

Bansa

5 patok na trabaho ng mga Pinoy sa Middle East

Pilipino Star Ngayon
5 patok na trabaho ng mga Pinoy sa Middle East
Nananatili pa rin ang Gitnang Silangan na pangalawang tahanan ng mga Pilipino sa labas ng bansa upang pagkuhaan ng pangkabuhayan.

MANILA, Philippines – Nananatili pa rin ang Gitnang Silangan na pangalawang tahanan ng mga Pilipino sa labas ng bansa upang pagkuhaan ng pangkabuhayan.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), lima sa 10 patok na bansang pinagtatrabahuhan ng mga Overseas Filipinos ay mula sa naturang rehiyon.

Sa limang bansa na ito, nangunguna ang Saudi Arabia sa nagbubukas ng pinto para sa mga manggagawang Pilipino, habang kasunod naman ang United Arab Emirates, Qatar, Kuwait at Oman.

Tinatayang nasa 70 porsiyento ng Overseas Filipinos sa buong mundo ang nagtatrabaho sa Gitnang Silangan, ngunit ano nga bang hanapbuhay ang idinarayo ng ating mga kababayan?

Domestic work

Kilala ang manggagawang Pilipino sa buong mundo dahil sa husay sa pagtatrabaho, kaya naman madali ang pagtanggap ng Gitnang Silangan sa mga namamasukang domestic worker.

Ayon sa United Nations' International Labour Organisation (ILO), hindi matatawaran ang papel ng mga Overseas Filipinos sa lipunan dahil hindi lamang pagluluto at paglilinis ng bahay ang kanilang ginagawa, kasama na rin sa kanilang paglilingkod ang pag-aalaga sa mga bata, matatanda at may mga kapansanan.

Healthcare

Isa pa rin ang Pilipinas sa may pinakamaraming healthcare professionals na naglilingkod sa mga dayuhan. Bukod sa United States at United Kingdom, kabilang ang Gitnang Silangan sa inaaruga ng mga Pinoy nurse, caregiver, midwife at doktor.

Pinipili ang mga Pinoy dahil sa kanilang tapat na paglilingkod sa kanilang mga pasyente, bukod pa sa pagiging dalubhasa sa kanilang trabaho.

Construction labor

Sa pag-usbong ng ekonomiya ng Gitnang Silangan, kasabay nito ang kabi-kabilang pagtatayo ng mga gusali sa UAE, Qatar, Oman at Egypt. Kaya naman hinahanap-hanap din ang galing ng Pinoy construction workers.

Kabilang sa trabaho ng mga ito ay ang linemen, machinery operators at metal workers, truck drivers, drillers at karpintero.

Skilled construction

Upang mas maging magaan ang trabaho, kaakibat ng mga construction workers ang mga Pilipinong tubero, pintor, manghihinang, electricians, patternmakers at foreman na talaga namang dekalidad ang mga gawa.

Engineering

Sa limang patok na trabaho ng mga kababayan natin sa Gitnang Silangan, ang mga engineers ang sinasabing may pinakamalaking kinikita na naglalaro sa P60,000 hanggang P100,000 kada buwan. Kabilang dito ang civil, electrical, industrial, mechanical, gayun din ang engineering technicians at mining engineers.

Tunay ngang maraming oportunidad para sa mga Pilipino sa ibang bansa, kaya naman katuwang sa kanilang pagtatrabaho ang BDO Kabayan Savings.

Nagsisilbing tulay ang BDO sa mga kababayan abroad at pamilya nila sa Pilipinas upang mas mapadali ang pagpapadala ng pinagpagurang pera.

Saan man sa bansa ay magiging madali ang pagtanggap ng remittance dahil sa higit na 5,000 Cash Agad partners, higit na 4,000+ ATM at lampas 1,000 branches.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng BDO Unibank, Inc

BDO UNIBANK

FILIPINOS ABROAD

KABABAYAN ABROAD

OFW

OVERSEAS FILIPINOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with