^

Bansa

Suplay ng bigas ngayong holiday season, sapat

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Suplay ng bigas ngayong  holiday season, sapat
Ito ang sinabi ni National Food Authority acting Administrator Tomas Escarez bunga na rin ng malaking bulto ng bigas na nakaimbak sa NFA warehouse nationwide.

MANILA, Philippines — Hindi kukulangin at sapat ang suplay ng bigas sa ating bansa.

Ito ang sinabi ni National Food Authority acting Administrator Tomas Escarez bunga na rin ng malaking bulto ng bigas na nakaimbak sa NFA warehouse nationwide.

Anya, ?may 16 milyong bags ng bigas ang nakakalat sa mga warehouse ng NFA na sapat upang punan ang pangangaila­ngan ng mamamayan ngayong holiday season.

Maging sa pagpasok ng 2019 ay hindi anya kukulangin ang suplay dahil nadagdagan ang kanilang imbak na bigas mula sa ani  ng local farmers.

Ang imbak na bigas o buffer stock ay partikular na ginagamit ng NFA sa mga lugar na sinasalanta ng kalamidad o kaguluhan tulad ng naganap sa Mindanao.

Binigyang diin din ni Escarez na wala namang magaganap na pananamantala ng mga rice traders dahil sapat ang suplay at palagiang naka-monitor ang mga tauhan sa galaw ng presyuhan ng bigas sa mga pamilihan.

Bukod anya ito sa patuloy na pagpapairal ng ahensiya sa SRP (Suggested Retail Price) sa suplay.

NATIONAL FOOD AUTHORITY

TOMAS ESCAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with